Baron Geisler, hindi pa rin nawawalan ng proyekto

TINEXT AT kinumusta namin si Baron Geisler noong isang araw at magalang naman itong nag-reply na okay naman daw siya. Maya-maya pa ay tumawag na siya sa amin at nagkuwento ng mga bago sa kanya.

Masaya niyang ibinalita na malapit na siyang magsimulang mag-shooting para sa pelikula ni Governor ER Ejercito na Boy Golden. Nagpapasalamat daw siya kay Gov. ER at isinama siya sa pelikula.

Tinatapos na rin ni Baron ang isa pang pelikula niya, pero for international release daw ito at hindi pa siya nagbigay ng detalye. Samantala, may teleserye naman daw siyang gagawin soon, pero hindi pa niya sinabi kung anong istasyon.

Sa mga isyu naman sa kanya lalo na ‘yung recent na desisyon ng korte sa kanya, no comment lang ang sagot niya sa amin at antayin na lang daw ang resulta ng apela nila tungkol dito.

Magaling na actor si Baron at sana ay tuluy-tuloy na ang mga magagandang proyekto sa kanya. Sige, goodluck na lang friend.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Baron Geisler, hindi pa rin nawawalan ng proyekto

Leave a Reply

Your email address will not be published.