Baron Geisler, gumawa na naman ng eksena sa MVP Ball

AT LAST Monday’s MVP Ball ni Manny V. Pangilian with his TV 5 “artistas” may eksena pala na naganap involving Baron Geisler.

Na-possess na naman ba si Baron na halos wala pa yatang isang buwan ay nakulong siya ng halos 14 hours dahil sa pag-atake sa isang lalaking tindero.

Ayon sa isang witness, si Baron, nakainom na naman na dumalo sa MVP Ball na ginawa sa compound ng Meralco sa Pasig.

Happy sina Divine Lee, IC Mendoza at Edgar Allan Guzman sa party.

Akusasyon ni Baron, si IC daw ay “Cheap!” habang si Edgar naman ay pinagmumura niya dahil hindi daw marunong magbigay respeto sa mga nauna sa kanya at ang pagnakaw niya ng halik kay Divine.

Tuloy iisipin mo na kung hindi siya lango sa alak ay idadahilan na naman niya na may chemical imbalance siya kaya “napapraning” siya at kung anu-ang pinaggagawa.

Sa totoo lang, nakakasawa nang intindihin si Baron.

Sabi nga ni Divine sa pangyayari: “Magpagaling na lang si Baron sa sakit niya! Helpless siya!”

 

HAPPY ANG mga na-invite sa get-together dinner (it is not a Christmas party dahil Robin is a Muslim or a blow-out as what other press people think) ng mag-aswang Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang bahay sa Fairview.

It’s a get together of old friends na kakilala nang personal ni Binoe in the past na gusto niyang ipakilala sa kanyang misis.

Actually, the dinner get-together was planned way ahead like September na last Sunday lang nagkaroon ng katuparan with Robin and Mariel’s busy schedules.

Si Robin kasi, may six shooting days pa para sa pelikula niyang Kuratong Baleleng kung saan kasama niya si Mariel na isang “love story” pala and not about the “Kuratong Baleleng” we know na mga hoodlums & carnapers about, aside from his Saturday sitcom with Pokwang and Angel Locsin ang Toda Max, at ang pagsasamahan nila ni Kris Aquino at Anne Curtis, ang Kailangan Mo Ako na sa February 2013 ang premiere telecast as Kris’s birthday gift sa kanyang followers.

Daming anektoda ang gabing ‘yun with old friends of Robin at the time na hindi pa siya sikat at nagsisimula pa lamang at nakatira sa isang old Scout Santiago apartment ng mentor discoverer niya na si Deo Fajardo aka Digna Fabian.

Daming mga personal na kuwento na nai-share ng mag-asawa sa mga kaibigang reporters ni Binoe.

Tawag nga niya sa mga old timers or lalo na ng mga kaedad niyang reporters sa showbiz ay “ka-batch” na siya niyang laging sinasabi sa mga taong ipinapakilala niya sa amin personally.

To Binoe, thanks for the friendship and more power.

 

DAHIL SA karanasan na nawalan ng anak sina Sen Bong Revilla at misis niya na si Cogresswoman Lani Mercado, naiintindihan ko kung bakit hindi sila sang-ayon sa pagpasa ng RH Bill.

Kaya nga ang pagboto sa RH Bill ay boto ng konsensiya at paniniwala. Sa mga Pro-RH, atake ang asahan ng isang pulitiko na ang stand ay NO!

Ang misis ni Sen Bong, sanay na rin sa atake sa kanya. “Kung minsan napapaglaruan ako pati ang personal kong buhay but I’m trying to get used to it,” sabi niya sa Christmas party nilang mag-asawa for the entertainment press.

Between showbiz & politics: “Mas nasanay na ako sa mga intriga sa showbiz. Sa pulitika, dahan-dahang nake-carry ko na rin,” kuwento niya.

Sa Tuesday, simula na ang MMFF and hopefully maulit muli ang pagiging numero uno ng pelikula ni Sen. Bong, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

9 thoughts on “Baron Geisler, gumawa na naman ng eksena sa MVP Ball

  1. PWEDE NG MAMAHINGA ANG CAREER NI PARENG BARON HAHAHA… PASALAMAT SIYA AT KINUHA PA SIYA NG TV5 DAHIL DESPERADO PA SILA KUMUHA NG ARTISTA NG GMA AT ABS KUNDI WALA KA NA TALAGANG CAREER. AS IN ZERO CAREER. AT ONE OF THOSE KA NA LANG SA SHOWBIZ. HINDI MO NA NEED NG ANOTHER CHANCE SA SHOWBIZ. QUITS KA NA LANG. MAGNEGOSYO O KAYA MAG ARAL KA ULIT.

  2. syang k baron…magaling kp nmng umarte…sn tumino cia like c mark anthony fernandez db nrehab din cia nwaln ng career pro ngbgo cia at nbgyan uli ng breaks..

  3. Malala na talaga ang topak nyang c Baron. Ang dapat dyan kuryentehin ang utak nya bka sakali matauhan.  Ang palagi nyang dinidepensa  pati na din mga taong nsa paligid nya eh may pinagdadaan cyang karamdaman.  Kung ganun idiretso na yan sa Mental hospital, 24 hrs lagyan ng jacket tapos kuryentehin utak nyan. Pag d pa nmn matauhan yan ewan ko na lang

  4. Kailan pa ba magtanda si Baron swerte lang niya at hindi tulad niyang sira ulo yung mga binangga niya.

    Hihintayin pa ba na masaktan siya o siya ang makakasakit sa iba?

  5. Sagip Kapamilya etong si Baron ang dapat nyong tulungan. iparehab at ilayo sa masamang bisyo kaso itinatakwil nyo mga homegrown talents over pirated stars from GMA

  6. at ano nmn kinalaman ng condom sa pagkawala ng anak nila Bong at Lani kung ang dahilan ng pagkawala nito eh ang pagkalaglag ng baby nya dhilsa stress ni Lani s pagiging babaero ni bong na katsuktsak-tiennes nya noon c Greta????!!! Taz mgdrama kya no to RH bill hahahahhah BOBO SA KATANGAHAN tlga itong c Bong mksalita lng tlga nmn sna wag na iboto ang mga hangal n yan!!!!

  7. sobrang bastos at baboy na talaga yang barong baboy nyan, andami nayang nabiktima a, ung anak ni wiliam na ininsulto panya na sa itsura dawba nun na sobrang taba e papatusin nya, c yasmien na pinakitaan nya ng notes nya, c cherypie na tsinansingan daw nya, nung sa PBB  dati diba chinansingan at binastos din nya dun cna mariel, yayo etc…dapat tlaga sa baron nyan e kalusin na, ung kapatid kc nya my pgkakusintidor, agad zang 2da rescue k baron wile dapat e pbayaan muna zang mgtnda makulong kung dpat mkulong….

Leave a Reply

Your email address will not be published.