Baron Geisler, dumadalaw nang lasing sa isang dalaga? – Ogie Diaz

MERON NAMANG ISANG pamilya kaming na-meet sa may bandang Anonas, sa may Kamias Road.  Nagpupunta raw du’n si Baron.  Pero naiinis ‘yung nanay nu’ng isang dalaga.

Dahil kung dumalaw raw si Baron, hindi puwedeng hindi nakainom, kaya pinahinto na ito sa kadadalaw.

Gano’n?  Juice ko, kelan kaya bibigyan ng chance ni Baron ang withdrawal sa alak?

Pag hindi pa siya nagtino, baka me magsamantala ng kanyang kalasingan at ma-rape siya ng bading.

MAY NAGTSIKA SA amin, totoo ba na tuluyan nang na-get over ni Jomari Yllana si Pops Fernandez dahil meron na siyang bago na Rada ang name?  Hindi ito ‘yung singer na medyo chubby, right?

Anyway, we’re happy for Jom.  Pero sana, Pops and Jomari will remain friends pa rin.

TOTOO BANG ANG tawag ni Osang sa mag-asawang Bong Revilla at Lani Mercado ay “devil?”

Kelan kaya magbabago si Osang?  Ba’t pa niya sinasabing malapit na siya ke Lord gayong ang mga inaasal naman niya lately ay parang hindi maka-Diyos?

Lumaklak na naman ba ng stillnox si Osang?

Sana, nasa matino siyang pag-iisip pa rin.

MAY 20% DISCOUNT pala sa mga early buyers ng ticket para sa As 1 back-to-back concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa September 18 sa SM Mall Of Asia Concert Grounds.

Isang araw lang pala ito, kaya samantalahin na.  Mga 30,000 to 40,000 crowd ang ine-expect na manonood sa biggest event na ito sa buhay ng Concert King at Pure Energy.

Nakita n’yo na ba ang album nila na pinag-isa ang mukha nila?  Buy kayo at maaaliw kayo. He! He! He!  Kami nga, naaliw, eh!

Kung nasa may bandang South naman kayo, mapa-panood n’yo naman ang talk show namin nina Maui Taylor at Dolly Anne Carvajal sa Paranaque Cable, sa Ch. 35 ng Signal TV.

Mapapanood ito ng 6 a.m., 6 p.m. at 12 midnight.  Hindi namin kayang tapatan ang The Buzz, Showbiz Central, Star Talk at Entertainment Live dahil puro kababawan lang ang aming hatid sa inyo.

Pero ba’t naman ninyo pabibigatin ang araw ninyo kung puwede namang maging magaan ang dating ng araw ninyo, ‘di ba?

‘Wag n’yong kalilimutan, ha? Ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Baron Geisler, dumadalaw nang lasing sa isang dalaga? – Ogie Diaz

  1. hahahahha may petition na nga si lani mercado sa SMB corporation. in fairness tapang tapangan si ogie “hipo” diaz huh tinira si osang! hala ka reresbak syo si osang sasabihin nya sayo. Hoy pangit na bakla na pataygutum, demonyo ka rin, mamatay ka na!

  2. Totoo siguro ang sabi ni Osang. Mga devils ang Revillas. Sino ang boboto sa mga ito na wala namang nagawa para sa bayan. Gusto lang manalo para may suweldo. Wala kasing ibang hanapbuhay. KABAN NANG BAYAN ANG KANILANG BOSS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.