Baron Geisler, bumabawi sa kanyang nanay

DESIDIDO RAW TALAGA si Baron Geisler na panindigan na ang naipangakong pagpapabagong buhay. Aniya nga last time na makakuwentuhan naming, “Sineryoso ko talaga ‘yong rehab. Hindi ‘yong nagpunta lang ako roon para magpahinga.  At para magka-career ako paglabas ko or… magka-project. I went there for self-improvement talaga.”

Six months and three weeks daw ang itinagal niya sa loob ng rehab. ‘Yong first two months daw ang pinakamahirap for him.

“Naglilinis ako ng toilet bowl. Gumigising ako nang maaga para mag-luto ng pagkain for 15 person. Ako lahat ‘yon.  Magsasangag ng kanin. Magpi-prito ng itlog. Maggi-gisa ng corned beef.”

Happy raw si Baron na sa ngayon, may mga offers na dumarating sa kanya.

“Katatapos ko lang ng shooting for Asiong Salonga.  Sabi ng manager ko (si Arnold Vegafria), may panibagong movie raw akong gagawin pero hindi ko pa alam kung ano. At saka isang endorsement. Comeback movie ko bale ‘yong Asiong Salonga. Nasa loob pa ako ng rehab nang mag-shooting ako for that. Na balik ulit ako sa rehab pagkakatapos ng shooting day namin.”

May mga possible TV projects din daw siyang nakatakdang gawin.

“Baka sa Channel 2 raw po. Iyon ang sabi sa akin ng manager ko. So… maghihintay lang po ako.”

Tila parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Baron nang magkaayos na sila ni Yasmien Kurdi kamakailan. Iniurong na nito ang kasong Act of Lasciviousness against him matapos siyang mag-public apology.

Umaasa ang aktor na sa pag-aayos din hahantong ‘yong kaso nila ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patrizha. Pambabastos din ang inihaing reklamo ng dalaga na until now ay patuloy pa rin ang pagdinig sa korte.

“Actually, wala akong maiku-comment regarding Patrizha, e,” ani Baron nang matanong tungkol dito. “Wala pa kaming nagiging pag-uusap lately.”

Pero umaasa nga raw siyang magkakaayos din sila. “Yeah! Well… it depends sa kanila, e. I’m praying na matapos na ito.”

Is there any message that he would want to extend to Patrizha at maging sa parents nitong sina Yayo at William?

“Sa ngayon, pending pa po ang kaso, e. Whatever I say is not really going to be relevant. So I’ll leave it up to the Lord na lang.  Na sana hipuin ni Lord ‘yong puso nila.”

Kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon?

“Wala muna. Ayoko muna ng lovelife ngayon. Gusto kong mag-concentrate muna sa career ko. Magpapayaman muna ako! Ha-ha-ha! Aayusin ko muna ang buhay ko.”

Loveless siya until Christmas?

“Oo. ‘Andiyan naman si God. ‘Andiyan naman si Jesus. Nandiyan naman ang family ko. So, right now, do’n ang focus ko.  To really be closer. Maging stronger ‘yong bond ng family. And with my friends also. And with the Lord. Which is the most important thing.”

Feeling niya talaga, mawawalan siya ng focus sa work kapag may babae sa buhay niya?

“Oo. Susubukan ko muna na isa o dalawang taon na talagang… puwede na ako. Malakas na talaga ako.”

Ni dates wala? “Wala po.”

Social life wala rin? “Wala rin po. Walang gimik-gimik. Bahay lang at weightlifting kapag walang trabaho.”

Hindi ba boring din ang buhay kung gano’n lang ang kanyang daily routine? “No. No. First of all, ang laging nasa isip ko rin is my Mom. I’m catching up. When I wake up in the morning I go downstairs kaagad. I’ll have coffee with my Mom and talk to her. Parang… just to be closer to her.”

Sino ba ang naging inspirasyon niya para mapanindigan na ang pagbabagong-buhay na dati’y ilang beses niyang tinangka pero hindi niya magawa-gawa?

“’Yong mga taong nakasama ko sa loob ng rehab. ‘Yong mga Christians na minahal ako at laging nagdarasal para sa akin.  Also, my Mom. And hopefully, I’ll get her a house soon. Iyon ang pinangarap ko for her.”

Nice!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Baron Geisler, bumabawi sa kanyang nanay

  1. Pingback: Baron Geisler, bumabawi sa kanyang nanay - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.