Baron Geisler, bitbit sa ibang bansa ang pangit na ugali! – Joey Sarmiento

ISANG AUSTRALIAN-BASED FRIEND namin ang nagsabi ng naging experience ng kanilang family kay Baron Geisler nang minsang nagpunta ito sa bansang ‘yon at naisama ng isang common friend para dumalaw at mag-dinner sa kanilang house.

Okay lang daw sana ‘yung nag-dinner sina Baron sa kanilang house pero ang hindi na-take nu’ng friend namin, e, nagdala pa raw ng alak du’n ang aktor at du’n nakipag-inuman. Bukod du’n, hindi pa raw nagkasya si Baron sa kanilang kinain at nag-uwi pa raw ito ng maraming food na ikina-turn off nang husto ng aming friend.

Tsk… tsk… tsk! Kung true man ang balitang ito, e, malala na siguro talaga ang tama ni Baron dahil kahit sa ibang bansa, e, nakararating na ang kanyang hindi magandang attitude. Kelan kaya matututo ang batang ito at lalo niyang pinapaliit ang kanyang mundo… hik!!!

NAKATIKIM PALA NG pagtataray sina Allen Dizon at Iza Calzado kay Direk Joel Lamangan habang sinu-shooting nila ang pelikulang Dukut: Desaparecidos.

Supposed to be ay mag-on ang dalawa sa pelikula pero nang hindi raw nakuha ni Direk Joel ang gusto niyang emosyon sa dalawa, e, napagsabihan niya ang mga ito lalo na sa ilang mga eksenang dapat ay inilalabas nila ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Pagkatapos silang pigain ni Direk Joel, e, satisfied naman ito sa kinalabasan ng movie. Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil award-winning actor si Allen at hinahangaan naman ang acting prowess ni Iza.

Nakapanghihinayang lang dahil inindiyan ni Iza ang press preview ng Dukut sa UP kung saan karamihan sa mga nanood ay mga estudyante na pinalakpakan nang husto ang kanilang mga eksena, kahit itanong pa niya sa kanilang producer na si Dennis Evangelista.

‘Nga pala. Naikuwento rin sa amin ni Allen na sobrang naka-relate siya sa kanyang role sa movie dahil ang kanyang first cousin ay dinukut din, 25 years ago at hanggang ngayon ay isa pa rin itong unsolved case.

Sa true lang, after ng movie, e, ibang klase nang magsalita ngayon si Allen. Parang pulitiko na ang dating. Mukhang naka-influence sa kanya nang malaki ang naturang movie at si Direk Joel, huh! Tatakbo ba sa politics si Allen? Whatdayathink, kapatid na Dennis???

KUNG HINDI MAGBABAGO ang plano ay malapit nang mapanood si Faith Cuneta sa Resorts World Casino as their regular singer. ‘Yon ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi, e, nakikita siya sa casino, hindi para maglaro kundi para makipag-usap sa mga taong namamahala ng entertainment sa lugar na ‘yon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil ang ilan sa pang-iintriga sa magaling na singer tungkol sa casino issue. Sabi nga ni Faith, kung naglalaro man siya ng poker, sa internet lang daw niya ‘yon ginagawa at hindi sa casino.

Kung hindi naniniwala ang ilan sa mga kasamahan namin sa panulat, e, abangan na lang nila si Faith kapag kumanta na siya sa Resorts World… pustahan?!

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

7 thoughts on “Baron Geisler, bitbit sa ibang bansa ang pangit na ugali! – Joey Sarmiento

  1. yan talaga ang ginagawa ng mga pinoy dito sa u.s., pagkatapos ng party ay pinagti-take home ang mga bisita at kamaganak. pag kami ay nag party, sobra-sobra ang inihahanda namin para na rin pang take home. kung bukal sa loob mo na mamigay ay walang masama duon.

  2. Uso kasi rito sa US and guest na may dalang konting pasalubong sa host pag may dinner party. Mostly, another dish o specialty nang guest but the most common is a bottle of wine. Whenever I invite friends for a dinner party, I normally want them to take home food pagkatapos nang party. Kasi, baka lang masira at hindi na magkasya sa refrigerator and freezer. Kaya I don’t see anything wrong in what Baron Geisler did. Just make sure that he behaved at hindi na naman nagwala pag nakainum na, which, of course is not acceptable. Then, I most likely will have an issue on this.

    • nung una kong mabasa ‘to, yan din una kong naisip. wala naman masama magdala ng alak at uminom sa pinuntahan mong bahay unless manggulo ka after kang tamaan ng alcohol sa utak. saka ako nga nagmamakaawa pa akong mag-uwi ng pagkain ang mga bisita ko dahil ayokong kainin ng isang linggo ang mga tirang pagkain. nakatulong pa ako sa kanila para hindi na sila magluto which is effort talaga sa buhay dito sa states. there really is nothing wrong with baron did except kung nang-away na naman sya nang malasing. hirap kasi sa pinas pag nakikain or nag-uwi ng pagkain iisipin agad patay-gutom. kilala pa naman tayong hospitable kaya hindi dapat tayo ang unang mag-isip ng ganyan sa kapwa natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.