Baron Geisler, bastos ang text kay Yasmien Kurdi?

GAANO NAMAN KATOTOO ang balitang sobra raw dinamdam ni Jiro Manio ang desisyong ipinataw sa kanya ng ABS-CBN, partikular ang Star Magic na siyang nangangalaga ng kanyang karir?

Nauna na nga rito ang pagkakatanggal niya sa Tayong Dalawa dahil nga sa pagiging unprofessional nito pagdating sa iskedyul.

Baliw na baliw nga raw sa pag-ibig ang batang aktor at obvious na mas pinili raw nito na pahalagahan ang buhay pag-ibig niya kontra karir.

Kaya lang daw ito nagdaramdam ayon sa nakausap namin, dahil sa parang hindi raw yata binigyan ng halaga ng mga kausap niya ang nauna nang kasunduan na bibigyan siya ng sapat na panahon para ayusin ang personal nitong mga suliranin.

“Basta na lang daw iniwan sa ere,” ang tsika pa ng kausap namin. Ang latest news pa nga raw, sa kabilang istasyon naman ito lilipat dahil mayroong mga direktor at production executives na nakahandang tumulong dito?

PATULOY PA RIN daw sa pagpapadala ng mga malalaswang mensahe sa text si Baron Geisler kay Yasmien Kurdi.

Ito ang karagdagang tsika na nakarating sa amin na siyempre pa, aming pinagtatakhan dahil aware naman siguro si Baron na kayang gamitin laban sa kanya ang naturang mga text messages?

Unless, talagang sumayad na sa lupa ang saltik o sayad niya para lalong ipahamak ang sarili, lalo pa’t may kaso nang isinampa sa kanya si Yasmien. And how true na kumuha na ng private security niya si Yas para 24-oras daw itong bantayan?

Nakakaloka!

SA KABILANG DAKO, nagluluksa pa rin ang showbiz dahil sa pagyao ng isa sa mga matatawag na haligi ng showbiz writing and talent managing.

Nakikiramay at nakikidalamhati nga po kami sa pagyao ni tatay Douglas Quijano, isa nga po sa matatawag naming mentors dito sa industriya at kapamilya pagdating sa kantiyawan at pagsuporta sa collegiate basketball.

Nalulungkot ang showbiz lalo na ang mga talentong kanyang mga natulungan at nabigyan ng magandang pangalan sa industriyang ito, kasama na ang mga manunulat na gaya ko’y humuhugot ng lakas at inspirasyon sa mga magaganda at mabubuting aral ng mga gaya nila.

Maligayang paglalakbay po tatay Douglas!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

9 thoughts on “Baron Geisler, bastos ang text kay Yasmien Kurdi?

  1. siguro dapat i-pa kantot natin etong si Baron sa mga maton sa kulungan. masasarapan yung Sigue-sigue at Bahala Na Gang sa puwit niya.

  2. totoo lahat yan nakasampa na nga ang kaso at tahimik lang na naisampa yun kaso, maganda si yasmien at mabait din di siya katulad ng ibang artista, saka si baron mabuti inalis na sa kapuso shows yun naman ang dapat kahit pa magaling siya artista, bastos naman ang dating

  3. hindi maganda si yasmin, parang nilamukot na barbie ang mukha pero nd pa rin talaga tama ang pambabastos ni baron kung totoo man yun.

  4. si baron ang may sayad talaga, saka im sure sobra nagandahan ke yas kaya pati utak wala na sa katinuan, mabait si yas at saka malalaki talaga bone structure nya, hindi naman masasabing mataba

  5. Serge.

    Manahimik kang bakla ka. Naiinggit ka lang siguro kasi hindi ikaw yun binastos at kung ikaw yun natuwa ka pa sigurado. Parehas kasi kayo na may sayad yata ni Baron kaya ganyan ka magisip. Sarap mong murahin kaya lang hindi ako bababa sa level. Magisip isip ka sa mga sinasabi mo lalo na kapatid namin si Yasmien ewan ko lang… LMAO

  6. si baron pala mhilig sa malulusog na tsikababes! kita mo ung kaso nya e malusog ung nghabla sa kanya at e2 ngayon c yasmien e mdyo malusog din! cguro ke baron e feeling nya e unan ang nilalamutak nya kpag nppraning!

  7. sayang ka baron….magaling kang artista, me talent ka sa pag-acting…. pero me pagkamanyak ka ata dude.. hilig mo pang manyakin yung mga girls na malulusog at lalaki katawan…tulad ng anak ni william at yayo at si yasmien na kala mong boucer na nag gygym sa laki den ng katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.