Baron Geisler, ban na sa samahan ng mga manager!

NAGPASIYA NA ANG samahan naming mga talent managers na PAMI na hindi na muna namin i-allow na makatrabaho ng mga talents namin si Baron Geisler hangga’t hindi pa ito okay.

Ito ‘yung desisyon namin pagkatapos magsampa ng reklamo ang manager ni Cherry Pie Picache na si Ed Instrella dahil sa ginawa ng aktor sa kanyang alaga.

Tinanggap naman ng manager ni Baron na si Arnold Vegafria ang desisyon ng majority dahil hindi na natapus-tapos ang ganitong isyu kay Baron.

Mabuti nga si Yasmien Kurdi, talagang ipinagpatuloy nito ang pagsampa ng kaso laban sa aktor at pati rin ‘yung anak ni William at Yayo na si Patrizhia Martinez.

Pero ito namang si Baron, itinatanggi pa niya ang ginawa nito kay Cherry Pie. Sana panoorin daw muna ang video bago siya husgahan dahil wala raw siyang intensiyong bastusin ang aktres.

Sabi nga niya, parang nanay na raw ang turing niya kay Cherry Pie at kilala raw nito ang anak niya kaya hindi raw niya magagawa ‘yun. Kasama raw ‘yun sa eksena na maaaring nadala lang siya nang husto dahil taong unggoy ang role niya rito. Pero nang tinanong naman kung totoong lasing ito sa taping na ‘yun, hindi na niya sinagot.

Hindi naman siguro ilalagay ni Cherry Pie sa kahihiyan ang sarili niya para siraan lang si Baron. Kaya nagreklamo na ito dahil nakaramdam talaga siya nang pambabastos mula sa aktor.

Marami ang nagsasabing dapat magpa-rehab na si Baron at tiyaking okey na talaga ito bago siya lumabas. Pero hindi pa niya sinasagot kung balak nga niyang magpa-rehab. Kailangan din niyang harapin ang mga kasong isinampa sa kanya kaya ewan ko kung ano ang desisyon nila.

Ilang beses na kasi nangyari iyan at paulit-ulit na lang, kaya dapat nang magawan na ng aksyon para hindi na maulit pa ‘yan!

IN FAIRNESS NAMAN kay Aljur Abrenica, kinilig ang mga kabadingan sa press launch ng Machete niya nu’ng nakaraang Martes.

Talagang nakita naman nilang maganda ang katawan nito at makinis ang balat, na walang peklat at buni, ‘no!

Ang sexy nga ng Machete costume niya na nataypan ng mga kabadingan, kaya kaabang-abang nga ang pagsisimula nito sa Lunes.

Aminado si Aljur na nahirapan siya para ma-maintain na ganu’n kaganda ang katawan niya, kaya sobrang pili lang ang kinakain nito. Meron na nga silang tinatawag na Machete diet dahil alam na sa set kung ano lang ang puwede niyang kainin.

Minsan, kumakain naman daw siya ng kanin pero konti lang talaga at meron nga siyang tinatawag na cheat day niya. Pero nakasanayan na rin niyang kainin itong mga pinapakain sa kanya, kaya tuluy-tuloy na iyang ganu’n kagandang katawan.

Halos araw-araw nga ang taping nito, pero naisingit pa sa schedule niya ang pag-alis patungong Seoul, Korea dahil tatanggap siya ng award sa Asian Model Festival, kung saan hinirang siyang Asian Male Model at kasama niya rito si Frencheska Farr bilang Asian Female Model.

Ngayong araw ang awarding at malamang kinabukasan ay balik agad siya ng Pilipinas dahil kailangan niyang bumalik sa taping ng Machete.

Abangan n’yo na lang ‘yan sa GMA Telebabad sa Lunes pagkatapos ng Dwarfina.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Baron Geisler, ban na sa samahan ng mga manager!

  1. sana wag naman pagkaisahan si baron ng mga managers bigyan pa nyo sya ng pgkakataon na mabago ang mga maling nagawa nya maawa naman kayo sa kanya di dapat para sa isang magaling na aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.