Baron Geisler, ‘di totoong magpapa-rehab?!

SI CHARICE PEMPENGCO at ang ina nitong si Mommy Raquel ang nakausap ng Pinoy Para-zzi, kung saan ay sinabi ng mga ito na kung anuman ang mga naging opinion ng kolumnista/TV host na si Ogie Diaz ay iginagalang nila ito.

“Totoo, nasaktan kami dahil masakit talaga, pero opinion lang naman niya iyon at lahat tayo may kanya-kanyang opinion,” sabi ni Mommy Raquel.

Ayon pa kay Mommy Raquel, never silang nagalit kay Ogie. “Kaibigan si Ogie at nu’ng nagsisimula pa lang si Charice, isa ‘yan sa maraming press na tumutulong sa amin. Never naman kaming nagalit. Nagtaka lang kami, bakit may comment siyang ganu’n?”

Sinabi pa rin ni Mommy Raquel na walang dahilan para palakihin pa kung anuman ang naging problema, basta ang importante umano ay humingi na ng dispensa si Ogie at tinatanggap nila iyon nang buong-puso.

Samantala, nilinaw naman ni Charice na walang katotohanang never na siyang magpapa-interview sa Pinoy mediamen. “Siguro kaya nangyari ‘yung ganu’n nu’ng una, dahil kasama ko ‘yung nagbabantay sa akin. I mean, ‘yun ang protocol ni Oprah Winfrey, pero ‘pag wala naman sila, siguro okey lang. Kasi kung talagang bawal bakit kausap n’yo ako ngayon,” tumatawang sabi iyon ni Charice.

Ang mag-inang Charice at Raquel ang nagsabing kahit mas madalas sila sa Amerika, hindi umano mawawala sa singer ang ugali at pagmamahal sa kapwa Pinoy.

“Wala namang dapat baguhin, kasi hindi naman sikat si Charice, napag-uusapan siya sa Amerika at napapanood siya sa international event, pero hindi ibig sabihin niyon, iniisip naming sikat na sikat na ang anak ko. Kaya nga masasabi ko lang sa mga detractors ni Charice, salamat sa mga panlalait ninyo!”

TAHIMIK ANG KAMPO ni Tita Becky Aguila at ni Jennylyn Mercado kaugnay sa mga naging pahayag ni Rowela ‘Mel’  Pulmano rito sa Pinoy Parazzi, kung saan ay sinabi nito ang mga kuwento sa likod nang pagkakakulong niya ng dalawang taong mahigit sa Camp Caringal.

Tinangka naming kausapin sina Tita Becky at Jennylyn, pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makausap sila.

“Nasa korte na ‘yan kaya ayaw nang magsalita nina Tita Becky at Jennylyn. Basta kung ano ang magiging desisyon ng korte, igagalang nila iyon,” pahayag sa amin ng isang taong malapit sa dalawa. Sinabi pa nito na this week ay maghaharap-harap umano sina Tita Becky, Jennylyn at Mel sa korte.

Sa kabilang banda, durog na durog naman ang puso ng pamilya ni Mel sa nangyari sa dating alalay ni Jennylyn. Ayon sa pamilya ni Mel, masyado raw agrabyado ang dating PA sa isang kasong hindi naman nito nagawa.

“Basta ako naniniwala, Morly, in the end ay lalabas at lalabas ang totoo sa kasong ito. ‘Yun nga lang, dalawang taon ako dito sa bilangguan na dapat sana ay nakasama ko ang aking pamilya,” pagwawakas ni Mel nang huli naming makausap.

HANGGANG NGAYON, HINDI pa rin tinutupad ni Baron Geisler ang kanyang pangako na magpapa-rehab siya. Ayon sa aktor, mas uunahin niyang magpatingin sa doktor at alamin ang kundisyon ng kanyang atay at iba pang vital parts ng kanyang katawan.

“Wala naman talagang balak magpa-rehab si Baron, drama lang niya ‘yun,” mataray na sabi ng aming kausap, na nagkuwento pang kamakailan lang daw matapos na humingi ito ng sorry kay Cherry Pie Picache, muling lumaklak ito ng alak. “Nasa sistema na talaga ng dugo ni Baron ang alak at mahihirapan siyang tanggalin ito.”

IN FAIRNESS KAY Claudine Barretto, unfair naman siguro ang bintang na laklakera ito ngayon ng alak dahil sa sobrang depression sa paghihiwalay nila ni Raymart Santiago. Hindi man kami ganu’n ka-close ni Claudine, alam naming hindi makatuwiran ang paulit-ulit na akusasyong dinadaan ng aktres sa pag-inom ng alak ang lahat ng kanyang problemang pinagdaraanan ngayon.

Sabi nga ni Jenny Miller nang huli naming makausap, kung meron man daw na mahilig uminom ng alak sa kanilang barkada ay siya iyon. “Ako nga ang madalas na nagyayang gumimik. Kaya napaka-unfair ‘yung mga sinasabi nila sa friend ko.”

Sinabi pa ni Jenny na hindi raw hiwalay sina Claudine at Raymart. “Masaya si Claudine at walang dahilan para ma-depress siya!”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Baron Geisler, ‘di totoong magpapa-rehab?!

  1. a person has to be willing to change… kahit anong rehab gawin mo di gagana kase di naman nya gusto mag change. Hopefully ma realize nya how much his drinking has taken over his life..pati matanda patulan nya. kalerke!

  2. In fairness kay Baron Geisler, magaling talaga siyang aktor at gustong-gusto ko siyang kontrabida. Yun nga lang talagang alcoholic na siya at mahihirapan talaga siyang tanggalin iyon kundi siya magpapa-rehab.

  3. at first naman halatang gimik lang ni baron ang rehab kuno,syempre para palabasin na nagreregret sya,dapat dyan sapilitang iparehab ng mga relatives nya para hindi magkalat ng kamanyakan nyan

Leave a Reply

Your email address will not be published.