Baron Geisler’s Constant Companion Now is The Bible

MAALIWALAS NGAYON ANG hitsura ni Baron Geisler sa dalawang buwan niyang pananatili sa loob ng rehab. Medyo payat siya ng konti ngayon, hindi katulad dati na medyo bilog ang kanyang katawan nung puro siya laklak ng alak habang kasama pa siya sa nagtapos na teleseryeng Noah ng ABS-CBN kung saan siya gumanap na taong-unggoy. Papaano nga, medyo kampante na si Geis-ler, dahil nadidisiplina na siya, at higit sa lahat ay araw-araw daw siyang nakakapagbasa ng Bible.

Nasasabik na si Baron na muli siyang humarap sa kamera para magtrabaho. Pero alam niyang dahil nasa rehab pa rin siya ay ilang panahon pa ang kanyang hihintayin para muling balikan ang kanyang acting career. Noong nasa pagbibisyo pa raw siya ay sobrang napakahalaga para sa kanya ng pag-arte, dahil buhay niya iyon bilang artista. Ngayong nasa loob daw siya ng rehab, ay mas lalo niyang nararamdaman na sa kanyang muling pagharap sa kamera ay lalo pa niyang pagbubutihin ang kanyang trabaho.

Alam na rin ngayon ni Baron na nung nasa labas pa siya, lalo na kapag siya’y lasing ay nakakalimot daw siya at sumasala na sa tama ang kanyang nagiging ugali, pero sa pakiramdam daw niya ay siya ang tama. Magandang pag-amin iyon mula sa kanya. Huwag na natin siyang husgahan pa. Ang mahalaga ay nagsisikap na siya ngayong maituwid ang kanyang mga pagkakamali. Salamat na lang sa mga katulad nina Yasmien Kurdi at Cherry Pie Picache na mga naging daan, para mula sa kanilang mga reklamo laban sa mahusay na actor, ay maging desisyon na rin ni Baron na maging maayos na ang takbo ng kanyang buhay, una na nga ay sa pagkaalipin niya dati sa bisyong pag-iinom ng alak.

NORMAL LANG NAMAN talaga sa pagiging magulang ni Robin Padilla na bantayan at kilatisin ang mga kalalakihan sa showbiz na gustong manligaw sa kanyang magagandang anak na sina Queenie at Kylie, lalo pa’t ang mommy ng kanilang mga anak na si Leizl Sycangco ay wala rito sa Pilipinas para mabantayan at personal ding magabayan ang dalawa sa mga panahong ito na sobra na silang ligawin.

Nali-link ngayon si Kylie kay Aljur Abrenica. Pinabulaanan ni Aljur ang isyu na pinagbawalan at hindi siya pinapasok ni Robin nung minsang gusto niyang dalawin si Kylie. Pero lagi namang ipinagpapauna ni Binoe sa mga gustong manligaw sa kanyang mga anak ang mga salitang: Mag-ingat ang sino mang lalaking manliligaw sa kanyang mga anak kung hindi naman malinis talaga ang hangarin! Kaya alam na ni Aljur ang ibig sabihin noon.

Pero marami ang naaaliw kay Robin. Kasi nga, sa mga panahong ito ay baka maisahan na naman siya at maulit ang nangyari noon, na hindi pa niya alam ay kalat na sa showbiz na magkarelasyon na pala dati sina Queenie at PJ Va-lerio. Ngayon kasi ay ginagawang pulutan na sa showbiz ang tsikahan, na parang sina Kylie at Aljur ay hindi na lang nagliligawan, kundi judging sa mga kilos nila ay parang magkarelasyon na sila! Pansin na pansin daw, na parang mahal na mahal ni Kylie si Aljur.

Medyo nilait ang pinsan ni Kylie na si Bela Padilla nung mag-guest sila nina Aljur, Kris Bernal at Ryza Cenon sa Showbiz Central ng GMA-7 dahil tinanong ni Bela si Aljur ng: “Gusto mo bang maging parte ng aming pamilya?” na inakala ng marami na “nagpaparamdam” ang young actress sa guwapong actor. Tsikahan ngayon, na ang tanong daw na iyon ni Bela ay hindi para ilapit ang kanyang sarili kay Abrenica, kundi may lihim diumano sa likod ng tanong na iyon. Patungkol iyon kina Aljur at Kylie.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.