Barkong Gagamitin sa ‘Bourne Legacy’, Sumabog

NAGULANTANG ANG mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang sumabog ang isang barko may ilang metro lamang ang layo sa pagdarausan ng shooting ng “Bourne Legacy” kamakalawa ng tanghali.

Isa ang barkong First Sea Lord sa mga gagamitin umano sa shooting ng nasabing pang-international release na pelikula pero sumabog ito habang kinukumpuni.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:15 nang biglang sumabog ito habang may nagwe-welding pero naa-pula rin ang inaasahang pagkalat ng apoy bandang alas-12: 15 ng tanghali.

Nabatid na kinukumpuni ang nasabing barko para maihabol sa idaraos na shooting ng nabanggit na pelikula di-kalayuan sa Navotas Fish Port Complex Market 2.

Sinabi ni Eduard Manzano, nagwe-welding siya nang may napansin siyang makapal na usok patungo sa blower ng barko.

Hindi nagtagal, bigla na lamang dumagundong ang nasabing fishing vessel pero hindi naman kumalat ang apoy dahil sa mabilis na pag-ayuda ng mga crew na naroroon na silang nagtulung-tulong para maapula ang apoy.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng malakas na pagsabog, pero hindi nila ito pinag-ukulan ng pansin sa pag-aakalang dry-run lamang ito ng isu-shoot na pelikula sa kanilang lugar.

“Akala namin dry-run lang ng pelikulang Bourne Legacy, pero nang lumabas kami sa bahay nakita naming nagkakagulo at nasusunog na pala ‘yung barko,” pahayag ng ilang residente sa Navotas Fish Port Complex.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.