Barko, pinasadsad ni Gener; 197 pasahero, ligtas

ISINISI SA masungit na panahon bunsod ng pananalasa ng bagyong Gener kung bakit sumadsad ang isang barko sa karagatang sakop ng lalawigan ng Cebu kamakalawa ng gabi.

Gayunman, kinumpirma ng Philippine Coast Guard – Cebu na tagumpay na nailigtas ang 197 pasahero ng MV Ocean Jet.

Sinabi ni PCG Coast Guard Spokesman Lt. Comdr. Arman  Balilo, pasado alas-8 ng gabi nang sumadsad habang papalapit sa pier ng Cebu ang passenger water vessel na galing sa Bohol.

Matapos makipag-ug-nayan sa kumpanya ng barko ay agad pinadala ng PCG-Cebu ang BRP Davao del Norte para mailipat ang mga pasahero.

Dakong alas-11 ng gabi nang mailipat ang lahat ng pasahero at dinala sa Cebu Pier.

Samantala, muling pinaalalahanan ng PCG ang lahat ng shipping company at sa mga mangingisda na bawal ang maglayag sa mga baybayin ng Cagayan, kabilang na ang Calayan, at Babuyan Group of Islands, kung saan nakataas ang public storm warning signal no. 2 at sa Isabela at Batanes group of Islands, na nasa ilalim ng public storm warning signal number 1.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.