Barko, Niratrat sa Masbate

PINAULANAN NG bala ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang barko na naglalayag sa nasasakupang karagatan ng Masbate kamakalawa ng gabi.

Base sa report, galing ng Cataingan Port sa nasabing lalawigan at patungo na sanang Cebu ang MV Rosalia 2 nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin na sakay umano ng isang sasakyang pandagat.

Tumama umano ang punglo ng bala sa upper part ng barko kung saan narekober din na nagmula ito sa kalibre .45.

Samantala, walang naiulat na nasawi o nasugatan sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin sa pagsisiyasat habang nagpapatrolya ang mga kinauukulan sa nasabing karagatan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.