Barko ng ‘Pinas sa Spratly, Iprinostesta ng Taiwan

HABANG UMAANGAL ang Pilipinas laban sa Chinese ships na ipinaparada sa pinag-aagawang Spratly Islands, nagprotesta naman ang Taiwan.

Inirereklamo umano ng Taiwanese foreign ministry ang pagpapadala ng Philipppine naval ships sa Renai Shoal na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Hindi naman binanggit ng nasabing bansa kung ilang barko at kung kailan ang sinasabing pagtungo roon ng mga barkong galing sa ating bansa.

Maliban sa agawan ng karapatan sa Spratly Islands, mainit na usapin pa rin ang pagkakapatay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang mangingisdang Taiwanese na iligal umanong nangingisda at nagtangkang sumagasa sa tropa ng PCG sa Balintang Channel.

Samantala, kabilang sa mga bansang umaangkin sa Spratlys ay ang China, Vietnam, Malaysia, Brunei, Taiwan at Pilipinas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.