Barko ng BFAR at PCG, Lalagyan ng Video Camera

BALAK NG Philippine Coast Guard (PCG) na maglagay ng mga video camera sa lahat ng mga barko ng gobyerno para makatulong sa pag-monitor sa lahat ng mga aktibidad nito sa karagatan.

Ito ang sinabi ni PCG Commandant Rear Admiral Rodolfo Isorena sa kasunod ng nangyaring pagkakapaslang sa mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel.

Inihayag ni Isorena na ito ang natutunang leksyon ng ahensya sa insidente para na rin umano matiyak at maggamit sa anumang pagsisiyasat.

Samantala, nabatid na may 10 barko ang pag-aari ng Bureau of Fishiries and Aquatic Resources (BFAR) na meron nang mga video camera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.