Barker, sabog ang panga sa bala

PATAY ANG ISANG barker ma-tapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay nakikipag-tsikahan sa pilihan ng jeep sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa panga si Christopher Maniago, 36 ng Villa Gutierrez st., ng lungsod.

Sa ulat, alas-4:30 ng umaga, nakikipag-tsikahan ang biktima sa pilihan ng jeep sa Sangandaan nang barilin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis kung bakit pinatay ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.