Barker, Patay sa Pintor

TODAS ANG isang barker ng pampasaherong jeep matapos pagbabarilin ng isang pintor sa tapat ng bahay ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Nodado General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Joey Manuel, 24, ng Lot 581, Bagumbong ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Isagani Leyson, 25 ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Manuel.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa NGH.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.