Barilan ulit sa SM 2 totoy na mag-dyowa, kritikal sa lover’s quarrel

NASA KRITIKAL NA kondisyon ang dalawang menor de edad bunsod ng matinding away dahil sa pag-ibig.

Ayon kay Mexico City Police Director Superintendent Wilson Santos, parehong nasa kritikal ngayon ang mga biktimang itinago sa pangalang Jek-Jek at John, kapwa 13-anyos, umano’y magkarelasyon, matapos barilin ng una ang huli na Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo.

Sinabi ni Santos na nangyari ang pamamaril sa SM City Pampanga sa San Fernando, dakong alas-1:45 ng umaga kahapon.

Sa imbestigasyon, natagpuan ang suicide note kung saan nakasaad ang mga katagang “Im willing to die together with John” at nakita ito sa bulsa ng pantalon ng suspek/biktima na kritikal ngayon sa isang pagamutan sa Mexico, Pampanga.

Nasa tapat ng isang restaurant (Congco Grill) sa Building 3 Annex 2 ang biktima nang bigla na lamang barilin ni Jek-Jek sa ulo si John bago nagbaril sa kanyang sarili (ulo) gamit ang isang kalibre 22 na baril.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa nangyaring pamamaril, na ikalawang beses nang nangyari sa loob na naman ng SM mall.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Barilan ulit sa SM 2 totoy na mag-dyowa, kritikal sa lover’s quarrel

  1. nakakaloka nag report na to. ayusin nyo.

    13 yrs old and 16 years old, indi 13 years old both. mag research ka EUNICE CALMA!
    dakong alas-1:45 ng umaga kahapon   <<< ano to? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.