Baril ng Pulis-Maynila, Dinugas ng Yaya

 

HINDI MAKAPANIWALA ang isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District, na tataluhin siya ng yaya ng kanyang anak, matapos umano nitong nakawin ang service firearms nito kahapon ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang biktimang si PO2 Michael Gere Domingo Y Marcos, 27 anyos, ng Brgy. Silangan, Sta. Maria, Bulacan, samantalang ang suspek naman na mabilis na tumakas ay nakilalang si Mary Grace Lasim, 25, alyas Nanny, babysitter, residente ng Brgy. Poblacion, Angat.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7:45 ng gabi nang magsisigaw ang misis ni Domingo nang madikubre nito na wasak ang kanilang cabinet, kung saan nakatago ang mga pera at alahas.

Nadiskubre ring nawawala rin ang service firearms na 9MM na Beritta, Laptop, at iba pang mahahalagang gamit ng mag-asawa.

Ayon sa mga biktima, bago ang insidente, nagpaalam pa ang suspek na uuwi sa kani-lang bahay sa Angat, kung saan dadalawin nito ang umano’y maysakit nitong anak na babae. Pumayag ang mag-asawa at ibinigay rin nila ang suweldo nito, dahil pagkatapos nilang pumunta sa simbahan, dadalawin din ng mga biktima ang kanilang nanay na maysakit sa bayan ng Pandi.

Nabatid na hindi nakauwi ng bahay ang mag-asawa dahil na rin sa pakiusap ng kanyang magulang na manatili ang mga ito ng isang gabi sa bahay ng kanyang ina.

Subalit laking gulat ng mag-asawa nang umuwi ito ng kani-lang bahay na nawawala na ang mahahalaga nilang gamit, at hindi na rin makontak sa telepono ang kanilang kasambahay na si Nanny.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.