Baril ng PCG, Isinailalim sa Ballistic Investigation

TATAGAL NG dalawa hanggang tatlong araw ang gagawing pagsisiyasat ng three-man investigating team ng Taiwan kaugnay sa nangyaring pamamaril ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mangingisdang Taiwanese sa Balintang Channel.

Ayon kay NBI Deputy Director Virgilio Mendez, sinumulan na ng Taiwanese investigator ang pagsusuri sa mga baril na ginamit ng PCG.

Iimbestigahan din ng mga imbestigador mula Taiwan ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kasama rin sa sisiyasatin ng Taiwanese investigators ang video footage ng PCG na nagpapakita sa nangyaring engkuwentro sa pagitan ng Taiwanese fishing vessel at bangka BFAR.

Bukas naman ang PCG sa gagawing pagsisiyasat at nakahanda silang tumalima para sa ikakaresolba ng naturang insidente.

Samantala, umaasa si Justice Secretary Leila de Lima na sa pamamagitan ng imbestigasyon ng dalawang bansa, matutuldukan na ang tensyon sa pagitan ng mga Pinoy at Taiwanese.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.