Baril ng mga pulis, sinelyuhan

 

UPANG MASIGURO na hindi gagamitin ng mga pulis sa Northern Police District ang kanilang baril upang ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon ay nilagyan ng masking tape ang muzzle ng mga baril kamakalawa ng umaga.

Mismong si Chief Supt. Antonio Decano, director ng Northern Police District ang naglagay ng masking tape sa ilang baril ng mga pulis ng NPD kahapon ng umaga sa Malabon City Square sa Letre ng lungsod.

Sinabihan na rin ni Decano ang mga hepe ng kapulisan ng Camanava na selyuhan na rin ang mga baril ng kani-kanilang mga pulis.

Ayon kay Decano, masisiguro ng mga sibilyan na gagamitin lang ng mga pulis ang kanilang mga baril sa pagganap sa tungkulin at hindi basta na lang papuputukin upang salubungin ang Pasko at Bagong Taon ngayon taon.

Nanawagan din si Decano sa publiko na ipagbigay-alam agad sa mga presinto kung mayroon magpapaputok ng baril para lang ipagdiwang ang Pasko lalo na ang Bagong Taon, maging sino man ito upang agad na madakip.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.