Baril na Nililinis, Pumutok; Binatilyo, Patay sa Tiyuhin

 

MAAGANG KAMATAYAN ANG sinapit ng isang binatilyo nang tamaan ng bala mula sa nililinis ng baril ng tiyuhin ng biktima sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Walang buhay nang idinating sa Commonwealth Medical Center sa Quezon City si Joshua Romarate, ng Phase 4-C, Package 6, Block 40, Lot 22, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng 9mm cal. sa tiyan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Arnel Romarate, 28, tiyuhin ng biktima, matapos ang insidente.

Sa report ni PO2 Primoval C. Templanza, bandang alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng magtiyuhin sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kasaluku-yang nililinis ng suspek ang kanyang baril nang bigla nitong makalabit ang gatilyo hanggang sa ito ay pumutok at tumama ang bala sa kanyang pamangkin. Ang nakatatandang kapatid ng suspek ang ama ng biktima.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.