Barbie Forteza, nagtataka kung bakit walang manliligaw

Barbie-FortezaNAGTATAKA SI Barbie Forteza kung bakit wala siyang manliligaw. As in wala raw talagang nagpaparamdam sa kanya o nagpakita man lang daw ng interes na ligawan siya. May nagte-text naman daw sa kanya pero pawang mga kaibigan lang niya at wala raw kahit isa man lang sa mga ito ang nagparamdam na gusto siyang pormahan.

Sabi ni Barbie, may tendency raw kasi siya na gawing friend ang mga lalaking nakikilala. Siguro raw dahil napalagay na ang loob sa kanya, nawalan na raw ng interes ang mga ito na ligawan siya.

Ayon pa kay Barbie, ready na siyang magka-boyfriend at payag na rin raw ang kanyang magulang na magka-boyfriend siya dahil malaki ang tiwala sa kanya.

Ayaw namang sabihin ni Barbie na naiinggit siya sa mga kaibigang sina Bea Binene, Louise delos Reyes at Joyce Ching na nagkaroon na ng boyfriend. Gusto lang daw niyang malaman kung ano ang feeling ng isang may kasintahan. At nae-excite din daw si Barbie na maranasan kung paano masaktan sa taong minahal, pero hindi pala totoong nagmamahal.

Anyway, sa mga gustong manligaw kay Barbie. Gusto niyang maging boyfriend ay isang pilyong lalaki pero matino at seryoso kapag nasa harap na niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

6 thoughts on “Barbie Forteza, nagtataka kung bakit walang manliligaw

  1. This one thinks she is pretty just look at this picture, yaiikss. I think she had a nose but too bad didn’t help her liiks.

  2. pano naman me manliligaw sa kanya eh ang arte-arte niya di naman siya ganun kaganda taz maldita pa siya..baguhin niya muna ang ugali niya..alisin niya ang pagiging plastic niya.ginagaya niya kasi ang pagiging maldita ni marian un me “K” as in kagandahan itong bansot na barbie wala naman ganda..puti lang meron….

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.