Barbie Forteza, nagmaldita sa mga taga-media

ANG ASIM ng mood ni Barbie Forteza last time na ini-interview namin siya kasama ang iba pang miyembro ng media. Sa unang pagkakataon, nakita namin kung paano siya magmaldita.

Tila nairita siya nang may magtanong kung totoo bang sa dating ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio unang inialok ang pagiging leading man niya sa bagong seryeng kanyang pinagbibidahan na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa bago ito napunta kay Derrick Monasterio.

Gusto lang naman kasi ng mga nag-i-interview sa kanya that time na mabigyang-linaw kung first choice ba talaga si Joshua for the said role, pero tinanggihan nito dahil gusto ngang mag-concentrate muna sa pag-aaral at maka-graduate dahil fourth year high school na ito ngayon.

“Hindi ko po alam. Wala po akong idea,” ang halos magsalubong na ang kilay na sagot ni Barbie.

“Basta ‘yong sa akin, sa part ko lang siyempre. Pakialaman ko pa ba ‘yong sa iba?” mataray pa niyang sabi.

Tuluyang napasimangot ang Kapuso young actress nang muli, may isang nagtanong kung saan ba nanggagaling at hindi nawawala ang isyung may conflict sila ni Bea Binene.

“Sa inyo po!” mataray na pambabara ni Barbie sa nagtanong.

Shocked ang tinarayan ng young actress. Lahat ng nag-i-interview sa kanya, ang tanging na naging reak-siyon na lang… talaga?

“Opo. Sa inyo naman nanggaga-ling ‘yong mga ganyan,” mariing sambit ng young actress.

“‘Yong mga kumpi-kumpetisyon. Mga conflict. Kayo lang naman po ang nagpapa-issue ng ganyan.”

Hala! Talagang nilalahat nang pagdiskitahan ni Barbie ang mga taga-media na siyang nang-iintriga sa kanila ni Bea. Nagtatanong lang naman, napag-initan na? Ano ba ‘yun?

 

MAG-AAPAT NA taon na ang relasyon nina Divine Lee at boyfriend niyang Victor Basa. Mahigit two years na silang nagli-live in and so far, matahimik at masaya naman ang kanilang pagsasama.

“Ang tagal na rin, ‘di ba?” nangiting sabi nga ng model-turned-TV host. “Bago naging kami, ang tagal na naming naging magkaibigan, eh. Since grade school, magkakilala na kami. High school, barkada kami. Hanggang college. Oo. ‘Di ba?”

Bakit hindi kaagad sila ang naging magkarelasyon?

“Kasi hindi ko pa siya bet noon!” tawa na naman niya. “Hindi. Hahaha! Ano… alam mo kung naging kami dati, baka hindi kami nagkasundo. Kasi sobrang opposite kami. Siya tahimik. Napakaingay ko. ‘Di ba? But then no’ng eventually, ‘yong pareho nang nag-mature, tamang-tama lang naman ‘yong timing.”

Paano ba niya finally naging bet na maging boyfriend si Victor?

“Niligawan niya ako!” tawa na naman ni Divine. “Pero hindi. Malalim na ‘yong pundasyon. Kumbaga magkaibigan na kami nang matagal. Kilala na namin ‘yong bawat isa. As a friend pa lang, tanggap ko na ‘yong mga mali, eh. ‘Yong pros and cons, okey na. Eh, no’ng nanligaw siya, mukhang pursigido naman… go! Why not? Okey naman.”

Kelan naman kaya niya pagpaplanuhan ang kasal?

“Naku, ano kasi… ‘yon ang parati nga niyang sinasabi. Parati siyang nagtatanong. Siguro kung magpapakasal, ‘yong maliit na kasal lang. Na kasama mo lang talaga ‘yong mga mahal mo sa buhay. Walang celebration na malaki. Ang tagal pa niyan!”

Ano ang dream wedding niya?

“Sinabi ko na ‘yan dati… gay pride! Kasi… ang dami kong kaibigan na bakla. So gusto ko talaga… gay pride. Para masaya. I just want na lahat ng tao ro’n, masaya. “At malamang hindi okey kay Victor ‘yon. Hahaha! Pero… iyon ang gusto ko.  And, tinatawanan lang niya ako kapag sinasabi ko ang tungkol do’n.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

22 thoughts on “Barbie Forteza, nagmaldita sa mga taga-media

  1. hahaha. nakakatawa lang toh. obvious na exaggerated na. “Sa unang pagkakataon, nakita namin kung paano siya magmaldita.” well, kung una pa lang pala yan, bakit dati pa nagsasabi ang ibang media na maldita si barbie? hahahaha. at tama naman ang sagot nya sa tanong nyo. Si barbie kasi, mejo kalog kapag sumagot, honest talaga. hindi katulad ng iba, pabida. and saan ba talaga nanggagaling ang mga issue na binabato sa kanila, sa media naman talaga. and madami pa lang media na nandun, bakit kayo lang nagsulat na nagmaldita sya.

  2. But, you know, the media is known for it. Good or bad, they deliver it. And FYI, WALA KAYONG KARAPATANG SIRAAN ANG MEDIA. They’re doing their job. How about you do yours? If you even have one.

    And you think na sinisiraan ng media ang mga taong yan? Hindi n’yo ba naiisip na this media na sinasabihan nyong naninira ay SINISIRAAN NYO RIN? yeah, and you don’t even feel guilty. Mga tao din ang bumubuo ng media!

    Get moving, people! So kapag ang sinisiraan mga taong nagtatrabahong hindi masyadong kagandahan, okay lang? Pero kapag yang mga taong nag-aartista at nagagandahan kayo or nahuhumaling or what, magiging super offended na kaagad kayo?

    Media and actresses.. tao pareho yan, dudes… They just belong to different categories. Try to understand them both and not just the other side.

  3. whatever! why do people get so affected? totoo namang tao din ang mga artista eh. and in all fairness, only the world thinks of them as superior to people, who don’t act, just because they’re beautiful and they cry in front of the camera lens.

    They have to carry out their name… No one has to protect it for them. Ano ‘yun, disipulo? Get a life! Eh kung ganon talaga offcam, what is there for us to do? Nothing! Because that’s them and we have no right to convert them into someone who we like them to be.

    Aside istalk nyo sila 24 hours, we have no right to label them as this or that.

  4. Ang media gumagawa ng mga issues. sila dapat ang maging mature. Bata ang pinapatulan nila.
    Ang mga media ang isip bata. Basta tama. GO lang HIJA. you have my support.

  5. HAHAH. This is SO FUNNY! =)) This one really makes me laugh >:)) Nebeyen? =)) Galing nyo nmn mag-joke. HAHAHAH! Clap clap :) THUMBS UP! :)) MAHUSAY, MAHUSAY ANG PAGKAGAWA. HAHHA! =))) Yung totoo? Knino nyo natutunan mg-joke? HAHAHA! This one is NOT TRUE. :)) Hindi ganyan sumagot si Barbie :)) I KNOW HER MORE THAN YOU DO. ;) =))) Next time galingan nyo pa, yung kapanipaniawala nmn, nakakatawa kaya to. HAHAHAHHAHAHA! =))))))))))))))))  

  6. TAMA ANG SAGOT NI BARBIE!!! Sanabi lang nya kung ano naiisip nya. Wala akong nalitang masama sa pagsasabi ng totoo. SHE’s VERY HONEST. I like her na. Gusto siya ng mga anak ko, now i know why. GO BARBIE!!!

  7. Ako din umay na umay na sa issue nyang dalawang batang yan. Palagi na lang ang article may away. Tanungin mo naman ang dalawang bata, sasabihin hindi sila nagaaway. Ano ba kayo (press) wala na ba kayong maimbentong kwento? Sawang sawa na tao sa “imaginary” away nila. Iba naman.

  8. Nagkaroon lang ng madaming project si barbie, sinisiraan nyo na sya? WALA LANG SIGURO KAYO MAISULAT?kaylangan nyo pera? well, mag-sikap kayo, puro magagandang balita at TOTOO ang isulat nyo! Hindi ganyan ang ugali ni Barbie, ni hindi nyo nga kilala yan ng lubos, tapos sasabihin nyo nag-maldita. Kung sino man ang nagpost nito, siguro BINAYARAN KA NG KUNG SINO PARA LANG SIRAAN si barbie. Kung maninira ka lang ng kapwa mo, TINGNAN MO MUNA YANG SARILI MO, baka mas madumi ka pa sa lupa. Sorry, pero sagad ka na. 

  9. Hahaha batang bata pa talaga. Inosente pa sa isasagot. Nabuko tuloy ang ibang press. Sila lang naman talaga gumagawa ng mga issues para may isulat.

  10. – hoy barbie forteza na kamukha ni mahal…wag ka nga mag astang sikat dahil mukha kang komedyanteng sabog ang ilong…ang OA mo neng!! kamukha mo tlga si mahal..hahahaha

  11. TAMA… mmmm.. TAMA .. “REQUIRED” naman ata kc sa mga tga media ang UMEMBENTO ng mga istorya pra lang PAG-USAPAN ???? hahah

  12. Yeah the girl is right. Kayong mga reporter na lima singko ang naguumpisa ng mga intrigang ganyan.  Gustong gusto nyo na may nagaaway artista pra may maisulat kyo. Kayo ang nagpapaapoy kumbaga. Tapos cnabi lang ng bata ang totoo sasabihin nyo nagmaldita na. Come on, kayo nmn tlgang bayarang reporter ang nagpapalala kahit walang nmn away, gagawan nyo pra may maisulat kyo. 

  13. tama nga naman si barbie kayo tlga nagsasabong sa kanila may right naman sya sa opinyon nya as may right kayo, see, affected din kayo, hndi lhat araw ng media, hndi nyo hwak ang lahat ng artista sa leeg, btw di ako kapuso.

  14. hahaha tama naman xa eh kayo ang gumagawa ng mga isyu sa mga artista kahit di totoo pa magkapera kayo..hahaha di napahiya kau?hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.