Barbie Forteza enumerates her showbiz crushes!

TINAGURIANG TWEEN QUEEN si Barbie Forteza ng GMA-7. Mabilis kasi ang pagsikat nito at tinatangkilik ng mga fans ang kanilang afternoon show ni Joshua Dionisio. “Malapit na nga pong matapos pero may susunod uli akong project sa GMA-7. Sa ngayon, gusto muna nilang unahin ‘yung Tween Movie, working title pa lang po,” sey ng signature model ng BNY Jeans.

Click sa mga fans sina Barbie at Joshua, hindi kaya mauwi to something ang friendship nilang dalawa? “Crush ko po si Joshua, sixteen pa lang siya nagkaroon agad ng Best Actor trophy sa PMPC, MMK at sobrang galing niyang umarte. Sobrang dedicated sa trabaho at saka mabait siya, sweet, hindi pa rin siya nagbabago.”

Knows ba naman ni Joshua na crush mo siya? “Opo, crush na paghanga lang po ‘yun, walang malisya.” Nasabi rin ni Barbie na crush din niya sina Dennis Trillo at Daniel Matsunaga na dyowa ni Heart Evangelista. “Napo-pogian ako kay Dennis, crush lang naman po, hindi siniseryoso, at si Daniel, nagkasama na rin kami sa Party Pilipinas, mabait sila palabati… ganu’n,” simpleng sagot niya.

Sa physical looks nina Dennis at Daniel, ‘yung hugis ng mukha at ilong ni Dennis ang gusto niya rito at kay Daniel naman ang pangangatawan nito. Nagda-dalaga na nga ang teenstar, marami na siyang crushes. Kung dumating ‘yung time na puwede nang mag-boyfriend si Barbie, mas type ba ng bagets ang kasing age niya or more mature sa kanya? “Siguro po 2 years older than me.”

Kapag hindi hectic ang taping schedule nina Barbie at Joshua, pinapayagan naman sila ng kanilang parents na gumimik sa mall. “Kung lumalabas po kami, kasama silang lahat. Namamasyal kami sa mall, MOA, SM North’ ganu’n. Kami naman ni Joshua, never po kaming lumabas na kaming dalawa lang.”

Ikinuwento rin ni Barbie na niregaluhan siya ni Joshua ng purple bag last birthday niya. Dumating kaya sila sa point na sa pagbibiruan nila, napikon ang dalaga? “Pa-cute lang, minsan kapag inaasar niya ako na kunwari malaki ‘yung mukha ko, naaasar ako! Kaunting sundot lang sa ilong ko, okey na uli, sinusuyo naman niya ako,” mabilis na sagot ng teenstar. ‘’Yung biro na ikinagagalit naman sa ‘yo ni Joshua? “Singkit kasi, maladas kapag nagpapa-picture, wala siyang mata kasi nga singkit.”

Ikinatutuwa ni Barbie kapag sinasabing malaki ang pagkakahawig niya kay Angelica Panganiban. “Masaya at saka honored ako kasi, Angelica Panganiban, magaling na artista. Nakita ko siya sa airport nagpa-picture pa po ako sa kanya, okey naman po. Gusto ko ‘yung mukha niya parang angel…”

Pagdating sa character role, idol ni Barbie si Cherie Gil bilang kontrabida. Pagdating naman sa drama at iyakan ay si Sharon Cuneta. Dream din ng youngstar na makaganap ng kontrabida sa teleserye ng GMA-7. “Opo, hindi sa nagsasawa, gusto ko lang mag-try ng iba pang character role. Gusto ko ring mag-action, mag-horror, marami pa akong gustong i-try. Kasi, ayaw kong ma-stock lang sa drama ang nalalaman ko. Gusto kong madagdagan ang nalalaman ko pagdating sa pag-arte,” aniya.

 

MAKULAY ANG IKA-34 Gawad Urian sa Marriott Hotel last Tuesday. Dinaluhan ito ng mga sikat na artista ng local cinema. Kuwela bilang emcee sina Ai-Ai delas Alas, Cesar Montano at Butch Francisco. Birong totoo ang sinabi ng Comedy Queen na gusto niyang makakuha ng award sa nasabing award-giving bodies. Pangarap niyang gumawa ng seryosong indie film para mapansin ang acting niya as dramatic actress ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Inaayos na nga ni Direk Wenn Deramas ang script, si Ai-Ai mismo ang producer ng sarili niyang indie film.

Agaw-eksena naman si Eugene Domingo na nagbigay saya sa manonood ng gabing ‘yun. Bago ipinakilala si Cherry Pie Picache bilang isa sa Actors of the Decade, napakahabang litanya ang ibinato nito sa matalik na kaibigan na sinundan naman nina Coco Martin at Gina Pareño.

Muntik nang maiyak si Coco sa kanyang speech na inaalay niya ang award na natanggap sa kanyang lola. Pinasalamatan din niya si Brillante Mendoza bilang mentor at mga taong malaking naitulong sa kanyang showbiz career. Halos tumalon sa tuwa si Sid Lucero nang i-announce ang pangalan niya bilang Best Actor ng gabing ‘yun. Sobrang pasasalamat ng binata dahil for a short period of time as an actor may trophy agad siya for Gawad Urian.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

5 thoughts on “Barbie Forteza enumerates her showbiz crushes!

  1. ….i really love barbie forteza ur da bezt ever !!! labshuu idol :) <3 <3 <3 stay healthy & pretty always and more bless to come gb too :)))

  2. Si Sid Lucero Best Actor o Beast Actor ‘kamo? Iba talaga ang nagagawa pag adik ka magaling ka talagang umarte. Pero in fairness, hindi kasali dyan si Coco.