Barbie Forteza at Joshua Dionisio, nagbukingan ng showbiz crushes

SA DARATING NA premiere night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie entry ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa December 20, Monday, ilalantad n’ya kung sino ang kanyang magiging escort sa gabing ‘yon!

‘Yan ang hinihintay na pasabog mula kay Ai-Ai. Kung sino man daw ‘yon, ‘yon din daw ang kanyang makakasama sa darating na Pasko at Bagong Taon kasama ng kanyang pamilya. “Ay, basta (kung lalaki o babae). Magpuputukan kami sa lugar na dapat magputukan. Pero sana, ‘wag maputukan ang kahit anong parte ng katawan ko,” humahagalpak na sagot ng Comedy Queen.

Bukod sa pag-amin ni Ai-Ai na okey lang daw sa kanya na manguna sa takilya ang pelikula nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto na Si Agimat at Si Enteng Kabisote, wala rin daw problema sa komedyana kung maungusan s’ya ng horror movie ng kanyang kaibigang Kris Aquino. “Okay lang. Gano’n talaga. Wala naman tayong magagawa. Kung s’ya ang mag-no. 1, eh, ‘di bongga! Friendship ko naman s’ya, eh,” pagpapakumbaba ni Ai-Ai.

Ang kine-claim ni Ai-Ai ngayon pa lang ay ang Best Actress award mula sa MMFF, dahil ginalingan n’ya raw talaga, bukod sa mga kasama n’ya sa pelikula at direktor nitong si Wenn Deramas. “Sana mapansin nila ‘ko,” pag-amin ng aktres.

Iniimbitahan naman ni Ai Ai si Venus Raj na manood ng pelikula n’ya, dahil isa raw ang beauty queen sa ini-spoof ng una ng major-major. Agad naman ikinatuwa ni Ai-Ai na nagsabi na raw si Venus na manonood ito.

NAKAKATUWANG MA-INTERVIEW NANG sabay ang magka-loveteam at Tween Hearts co-stars na sina Barbie Forteza at Joshua Dioniso na mga parte rin ng pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, dahil nagkukulitan ang dalawang bagets sa pagsagot ng mga tanong.

Binuking ni Barbie sa amin ang ilan sa mga crush ni Joshua sa show biz na sina Heart Evangelista at Carla Abellana. Biniro pa ng una ang huli kung hindi ba raw s’ya kabilang sa mga crush nito.

Inamin naman ni Barbie na crush n’ya sina Dennis Trillo at Daniel Matsunaga.

Isang bagay na masasakyan daw ang Christmas gift ng young actress kay Joshua na nabili na n’ya, habang magagamit naman daw sa kuwarto ang regalo ng huli sa ka-loveteam n’ya.

Sobrang nakakatawa pa rin daw si Bossing Vic Sotto kahit na walang eksenang kinukunan at mukhang seryoso naman daw si Senator Bong Revilla, ayon sa mga bagets.

MUKHANG MALAKI RIN ang laban ng mag-dyowang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na makakuha ng Best Actress and Best Actor awards, respectively, para sa kanilang pelikulang Rosario sa Metro Manila Film Festival awards night.

Bukod sa mukhang maganda ang pelikula na dinirek ni Albert Martinez, alam naman na-ting nanalo na rin ng ilang acting awards noon si Dennis. Si Jennylyn naman ay parang may pinaghuhugutan ng emosyon kung umarte at may lalim.

But, as of now, all we can say is best of luck!
Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.