Barbie Forteza at Derrick Monasterio, kinailangang mag-workshop para sa bagong teleserye

IBAYONG PAGHAHANDA ang ginagawa ngayon ni Barbie Forteza para sa bago niyang drama-fantasy series with Derrick Monasterio. Nag-workshop ang buong cast para mabigyang-buhay ang bawat character na ginagampanan nila sa nasabing show.

“Ang hirap kasi, hindi ako ganu’n kahinhin. Bilang butterfly, kailangang pose, hindi naman ako masyadong brusko para ako ganu’n gumalaw. Kahit ang pananalita ni Mariposa, kailangang dahan-dahan, minsan nagagawa kong sing-song (Jacylyn Jose), pero habang tumatagal nakukuha ko naman ‘yung tamang pananalita,” wika niya.

Ipinagmamalaking ikinuwento ni Barbie na si Derrick na ang magiging bago niyang ka-loveteam. Pansamantalang iiwan muna ni Joshua (ka-loveteam ni Barbie) ang showbiz para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral dahil last year na niya sa high school.

“Dito mas focus sa amin ni Derrick ang istorya. Si Derrick, kuwela, seryoso rin minsan at saka sweet, thoughtful and gentleman, masayang kasama.”

Natatawang sinabi ni Barbie na wala muna siyang panahon pagdating sa lovelife dahil sa dami ng kanyang trabaho. “Wala pa po, nakakaloka! Makapag-text nga, hindi ko nagagawa. Kapag walang taping, maghapon po akong tulog. Nagho-home study po ako. Kaya ako nagho-home study para hindi na ako pumasok. Kapag may time, nagba-boxing kami ni Ate.”

Wala palang kahirap-hirap para kay Barbie ang mga roles na nagawa na niya in the past. “Ibang klase kasi kapag ka-close mo ‘yung katrabaho mo. Kahit anong ipagawa kaya mo, kasi nakaka-ride ako du’n sa mga kasama mo, ka-vibes mo lahat.”

NAKAUSAP RIN namin si Derrick Monasterio, ibinuko ng binata na magsasabay pala silang darating ni Barbie Forteza  sa press launch ng kanilang telefantasya. Sa lobby ng GMA 7 dapat sila magkikita. Maagang dumating ang young actress, hindi na ito nakapaghintay, late na kasing dumating ang kanyang leadingman.

Masasabing biggest break ni Derrick ang telefantasya. Para sa young actor, special si Barbie bilang kaibigan kahit pangalawa pa lang nila itong show bilang magka-loveteam. Palibhasa tinangkilik ng fans ang una nilang tandem in the primetime drama Luna Blanca, kaya’t balik tambalan ang hottest young love team on Philippine TV.

“’Yung una naming soap, ‘yung mga titigan namin na kailangan sa eksena, may awkward kami sa isa’t isa kasi hindi naman sila sanay sa ganu’ng eksena. Itong ‘Paroa’, mapi-feel mo na talaga may kilig, kinikilig rin ako minsan sa ilan naming eksena, ganu’n,” say niya.

Inamin ni Derrek na kinikilig siya tuwing kaeksena niya si Barbie dahil may something siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag ? “Hindi ko po masabi, time will tell. Special po siya sa akin bilang kaibigan. Ayaw ko muna pong ilagay sa isip ko ang bagay na ‘yan dahil baguhan pa lang ako. Kailangan munang mag-focus ako sa work dahil marami pa akong dapat matutunan sa pag-arte. Masaya ako dahil si Barbie ang ka-loveteam ko,” simpleng sagot nito.

Palibhasa excited si Derrick tuwing napag-uusapan si Barbie kaya naikuwento nito na dapat magkasabay silang darating sa nasabing press launch ng kanilang show. Hiyang-hiya ang binata dahil nauna pang dumating ang young actress kaysa sa kanya. “’Yun nga po, hindi niya ako hinintay pero nag-sorry naman po ako sa kanya na late ako. Tini-text niya ako kung nasaan na ako, ‘yun. Kapag may problema siya, bad trip nakita ko, tinatanong ko kung ano ang problema niya. Ayaw ko pong naba-bad trip siya, ganu’n. Ganu’n din po siya, sobra siyang maaalalahanin.”

Kahit telefantasya ang ginagawa ni Derrick, kailangan pa rin niyang paghandaan ang mga heavy drama scene nito. “Kaya nga medyo kailangan maging seryoso sa ginagawa ko, kasi mayroon akong  goals sa buhay na kailangan kong abutin. Ito po ‘yung show na magpapataas sa akin or magbabaksak sa akin, kaya kailangang seryoso.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.