Barbero, Tugis sa Tusok

INALIPUSTA NA, pinagsasaksak pa ang isang kelot ng isang barbero habang ang una ay nakikipag-inuman sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rex Bolo, 32, ng Area 3, Longos ng lungsod.

Pinaghahanap naman si Angkin Liston, 41, barbero at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi, nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar nang dumaan ang suspek sabay sabing “Huwag puro inom, bumili ka naman ng alak”.

Napikon ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.