Barangay Tanod, Patay sa Ambush

PATAY AGAD ang isang barangay tanod matapos itong dalawang ulit na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una sakay ng patrol car sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead on spot sa sinasakyang patrol tricycle si Arnold Lacbayo y Santos, 34, binata, at barangay tanod ng Tenajeros ng nabanggit na lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa likod at sa kanang bahagi ng ulo.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalng salarin dala ang ginamit na baril at ito ngayon ay pinagha-hanap na ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat ng Malabon PNP, dakong ala-1 kahapon ng umaga nang pagbabarilin ang biktima sa kahabaan ng Kalye Bignay, Barangay Tenajeros.

Nabatid kay Sr/Inp. Gregorio Catacutan, chief ng Station Investigation Divison (SIB) ng Malabon Police, sakay ng service tricycle patrol ang biktima patungo sa Pagamutang Bayan ng Malabon.

Habang tinatahak nito ang lugar, bigla na lamang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima na agarang ikinamatay nito.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Malabon PNP para ma-kilala at malaman ang tunay na motibo sa likod na pamamasalang.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.