Barangay Tanod, Inaresto

NADAKIP NA ng mga pulis ang barangay tanod na may standing warrant of arrest matapos inguso ng kabarangay habang nakatambay sa labas ng Barangay Hall sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Ramon Caparas, 50 barangay tanod at residente ng Malanday.

Nabatid na may nagnguso sa suspek na mayroon standing warrant of arrest ang suspek na naging dahilan upang kumpimahin ng mga pulis.

Nang makakuha ng kop-ya ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Teresita Asuncion M. Lacandula-Rodriguez ng MTC Branch 81 dahil sa kasong Less Physical Injury ay pinuntuhan ng mga pulis kung saan madalas nakatambay ang suspek.

Alas-9 ng gabi nang matiyempuhan ng mga pulis ang suspek habang nakatambay sa labas ng barangay hall ng Malanday sa Marcelo St., at agad na dinakip na nakuhanan pa ng patalim at dinala sa presinto.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.