Barangay sa Malabon, Nag-SOBA

SA ISINAGAWANG State of Barangay Address (SOBA) kamakailan ni Barangay Chairman Ernesto Dela Cruz ng Longos, Malabon, napatunayan ‘yung dami ng kanyang mga nagawa sa nasasakupan nito.

Kabaligtaran doon sa mga tumutuligsa sa kanyang mga nagawa at gagawin pa subalit hindi ito natinag bagkus ay patuloy na sinusuportahan ng kanyang mga constinuent dahil kitang-kita naman ang kagandahan ng kanyang mga proyekto sa loob lamang sampung buwan.

Nabawasan ang kriminalidad sa kanyang barangay dahil sa inilagay na CCTV camera sa buong palibot ng barangay, pagpapagawa ng mga daycare at health center.

Pagpapakumpuni ng mga sirang kalsada, pagpapapintura ng mga pader na ikinagaganda ng barangay, paglalagay ng mga basketball court upang matuon sa sport ang kaisipan ng mga kabataan.

Pinagsikapan ni Dela Cruz na lansagin ang mga iligal na nagbebenta ng mga tingi-tinging gasolina sa kalsada na alinsunod sa batas na pinagtibay ng konseho ng Malabon.

Sinabi ni Dela Cruz sa kanyang SOBA kamakailan, hindi hadlang ang mga tuligsa ng mga kumakalaban na ayaw mapaganda ang Barangay Longos, bagkus ay lalo pa niyang pag-ii-bayuhin ang pagbibigay ng serbisyo sa kanyang mga kabarangay na siyang pa-ngarap na matupad ng ka-nyang namapayapang anak na si Konsehal Eduard Dela Cruz na namatay sa isang aksidente matapos ang 2012 local election.

(ROMAN MAGPOC)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.