Barangay sa Koronadal, Inulan ng Yelo

IKINAGULAT NG mga residente sa Barangay Saravia sa Koronadal City ang pag-ulan ng yelo sa kanilang lugar.

Ayon sa isang residente na si Jared Catorse, nagulat ito matapos bumuhos ang yelo na kasinlaki ng mga butil ng mais kamakalawa.

Tumagal umano ng halos 15 hanggang 20 minuto ang pagbuhos ng nasabing yelo na nagdulot ng malalakas na tunog sa kani-kanilang mga bubungan.

Unang beses niyang nakakita ng pag-ulan ng yelo sa kanyang tanang-buhay, ani Catorse.

Samantala, napag-ala-man na dahil sa pagkamangha ay pinulot ng ilang residente ang yelo at inilagay sa sisidlan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.