Barangay sa Aklan, Tinamaan ng Diarrhea

UMAKYAT NA sa 27 ang kaso ng diarrhea na naitala sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo, Aklan.

Ilan sa mga naging biktima ay kasalukuyang inoobserbahan sa Aklan Provincial Hospital.

Nauna nang napabalitang may isang pasyente ang binawian ng buhay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon, Jr., Provincial Health Officer I ng provincial hospital, patuloy ang kanilang monitoring sa nasabing lugar habang hinihintay ang resulta ng mga isinagawang water sampling.

Malaki naman ang paniniwala ni Dr. Cuatchon na maaaring may E-coli o marumi ang tubig sa naturang komunidad dahilan ng pagkakasakit ng mga residente.

Pinayuhan rin nito ang mga residente na pakuluan muna ang iniinom nilang tubig lalo na ang mga kinukuha sa water pump.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.