Barangay Pulis, Todas sa Kuyog

PATAY ANG isang barangay pulis nang pagtulungang saksakin ng apat na kalalakihan matapos hingan ang una ng responde dahil may nangyayaring kaguluhan kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Tondo Medical Center ang biktimang si Juner Oclarit y Opaon, 34, may asawa, miyembro ng Barangay Police Action Team (BPAT) ng C-3 Road Virgo Drive NBBS sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nakapiit naman sa detencion cell ng Navotas Police ang naarestong suspek na si Jeffrey Iligan y Barde, 20, may asawa, at residente sa nasabing lugar.

Tugis naman ng pulisya ang iba pang suspek na kasamahan ni Iliganna sina Johny Barde at magkapatid na Elaizar at Amor Bullos kapwa kalugar ng nasawi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen C-3 Road Northbay Boulevard ng nasabing lunsod.

Ayon sa saksing si Joana Avila, live-in partner ng nasawi, humingi ng tulong ang kanilang kapitbahay na si Hosula Bulan bunga ng kanilang sigalot sa biyenan nito.

Subalit bigla na lamang kinuyog ang biktima ng mga suspek na naging dahilan ng maagang kamatayan nito saka nagsikatas habang nadakip naman si Iligan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.