Barangay na nasunugan, nasa state of calamity na

IDINEKLARA NA KAHAPON ng lokal na pamahalaan ng Navotas na nasa state of calamity na ang barangay, kung saan nagkaroon ng sunog na ikinamatay ng 12 katao noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang kanilang pagdedeklara ng state of calamity sa San Roque ay upang mas mapabilis ang kanilang pagbibigay ng tulong sa mga residen-teng nasunugan.

Hiniling din ni Tiangco sa mga may magagandang loob na magbigay ng tulong sa mga nasunugan upang agad na makarekober ang mga ito sa sinapit na sakuna.

Dinala na sa San Roque High School ang mahigit sa 300 pamilya na naapektuhan ng sunog, kung saan umaasa ang mga ito sa tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan.

Matatandaang alas-11:08 nang magsimulang masunog ang isang bahay na pag-aari ni George Milagrosa na matatagpuan sa kahabaan ng Leongson Extension, Brgy. San Roque.

Lumalabas na inisyal na imbestigasyon na si Milagroso na kasama sa mga namatay ay may sakit sa pag-iisip at kapag inaatake ito ay palaging nakikitang naglalaro ng apoy na pinaniniwalang pinagsimulan ng sunog.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.