Barangay Kagawad, Nagkagutay-Gutay sa Grader

CAGAYAN DE ORO City – Patay ang isang barangay kagawad sa Brgy. Alipuaton, Salay, Misamis Oriental matapos itong madaganan ng isang grader.

Kinilala ang biktima na si Brgy. Councilor Laurencito Balangiao, chairman ng committee on infrastructure sa nabanggit na barangay.

Sumakay umano ang biktima sa grader habang nagsu-supervise sa ginagawang daan.

Ngunit, bigla itong tumalon mula sa grader na siyang dahilan kung bakit nadaganan ito ng malalaking gulong ng constructions equipment.

Nagkagutay-gutay ang katawan ng nasabing barangay opisyal na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.