Barangay kagawad itinumba ng kapitbahay

PATAY ANG ISANG barangay kagawad matapos na barilin ng kanyang kapitbahay noong Lunes sa Brgy. Casiber, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktima na si Barangay Councilor Cesar Trinidad, na agad na namatay sa pinangyarihan ng insidente matapos na tamaan ng bala ng .38 caliber na baril mula sa suspek na si Jonathan Asuncion, 34.

Nabatid na kasama ang asawa, ang biktima ay pauwi na galing sa pakikipaglamay sa isang patay sa kanilang lugar nang habulin at barilin ng suspek.

Base sa imbestigasyon, noon pa may matinding alitan ang dalawa at sa pagkikita nila sa naturang lamayan, hindi napigilang magkasagutan na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Agad na sumuko sa mga pulisya si Asuncion matapos ang insidente.  (ROLANDO S. GAMOSO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.