Barangay Hall sa Pasig, Binulabog ng Bomb Threat

BINULABOG NG bomb threat ang barangay hall ng Kalawaan sa Pasig City kahapon.

Sinabi ni Pasig City Police Chief Mario Rareza na sumugod ang mga kawani ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at bomb experts ng pulisya matapos humingi ng tulong ang barangay, dahil sa kumakalat na usap-usapang pasasabugan ang barangay hall.

Ayon kay Kalawaan Barangay Chairman Jimmy Lee, maaaring pulitika ang motibo ng sinumang nagpakalat na pasasabugin ang naturang lugar, dahil hindi naman aniya pangkaraniwan na magka-bomb treat sa isang barangay hall.

Samantala, bahagyang naantala ang trabaho ng mga tanggapan sa barangay.

Balik naman sa normal ang lahat matapos magnegatibo sa anumang pampasabog o bomba ang buong gusali.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.