Barangay Ex-O, Wanted sa Pangingikil

PINAGHAHANAP ANG isang ex-o ng barangay matapos ireklamo ng pangingikil ng ginang sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Nahaharap sa kasong Robbery Extortion at Harrassment si Virgilio Duran, nasa hustong gulang, ex-o ng Brgy. 180 sa Miramonte Heights ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Evangeline Sustiguir, 48, at kapitbahay ng suspek, noong nakaraan Hunyo ay nagpunta sa kanilang bahay ang suspek at humingi ng ulo ng baboy upang ibigay umano sa mga tauhan ng warrant section upang hindi i-serve ang warrant of arrest sa hindi na nabatid na kaso laban sa asawa ng biktima.

Binigyan naman subalit makalipas ang ilang linggo ay pata naman ng baboy ang hinihingi ng suspek.

Naasar na ang biktima dahil parati na lang si-lang inoobliga ng suspek na magbigay hanggang sa mabuwisit ang una at inireklamo na sa mga pulis si Duran kamakalawa ng umaga. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.