Barangay disaster and emergency response pina-aaktibo ni RJ

HINILING NI Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President at Caloocan City Councilor Ricojudge Janvier “RJ” Echiverri sa lahat ng barangay officials na gawing aktibo ang kanilang disaster and emergency response plans upang matugunan ang anumang kalamidad na maaaring maranasan ng mga residente ng lungsod.

Kasabay nito, sinabi ni Echiverri na pinag-aaralan ding mabuti ang mga plano ng disaster and emergency response ng bawat barangay upang higit pa itong makatulong sa mga residenteng maaaring maaapektuhan ng kalamidad.

Aniya, ang mga barangay officials ang dapat na unang makaalaman kung ano ang tulong na maibibigay sa mga residenteng naninirahan sa kanilang nasasakupan na maaapektuhan ng bagyo, lindol at iba pang trahedya.

Dahil dito, sinabi ng batang Echiverri na dapat na higit na nasa tama at napapanahon ang disaster and emergency response plan ng lahat ng barangay na siyang magiging armas ng mga opisyales ng bawat lugar sa pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.

“I’m appealing to all Barangay Captains to start activating your Barangay Development Risk Reduction Management Council and draw up pre-emptive measures and programs that will lessen the impact of forthcoming calamities in your areas,” sabi pa ni Echiverri.

Kaugnay nito, nagbigay din ng babala si Echiverri sa mga residenteng naninirahan sa tabi ng ilog na agad na lumikas sakaling may paparating na malakas na bagyo upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay at pagkawala ng mga ari-arian.

Patuloy rin ang pag-iikot ni Echiverri sa bawat barangay upang magbigay ng tulong sa mga residenteng napinsala ng bagyo at ng habagat nang sa gayon ay madaling makarekober ang mga ito sa kanilang naranasang kalamidad.

Samantala, patuloy namang naka-alerto ng mga tauhan ng Rescue Team ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) na isa sa mga tumutulong sa mga residente ng lungsod sa panahon ng kalamidad.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.