Barangay chairman, wanted sa pagpaslang sa kapatid

NAHAHARAP SA KASONG kriminal ang isang barangay chairman nang ituro ito na bumaril at pumaslang sa sariling kapatid sa bayan ng Duenas, Iloilo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pinaghahanap ngayon si Nestor Aranador ng Barangay Bogtongan, Dueñas nang barilin umano nito ang kapatid na si Eulogio Arañador, 51-anyos.

Ayon kay Chief Insp. Frederick Dequito, hepe ng Dueñas Municipal Police Station, ikinagalit umano ni Nestor ang maingay na videoke bar ng kapatid nito kaya’t kanya itong pinuntahan.

Ngunit sa halip na pagsabihan lamang, binaril ng suspek ang kanyang kapatid.

Sa autopsy examination, tinamaan ng bala ang baga ng biktima at ito ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Pinaniniwalaan naman ng mga pulis na wala na sa bayan ng Dueñas ang suspek at maaaring sa lungsod ng Iloilo na ito nagtatago.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.