Barangay chairman, pinasabog ang bungo

SABOG ANG BUNGO ng isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa ulo hanggang sa mapatay ng tatlong hindi pa nakilalang suspek kabilang ang isang babae habang ang una ay nakaupo sa harap ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa lungsod ng Navotas.

Patay na ng idating sa Tondo Medical Center sanhi ng maraming tama ng kalibre .45 at 9mm na baril sa ulo at mukha ang biktimang si Bgy. Chairman Edwin Abella, 50, Northbay Boulevard South (NBBS) ng Block 33 Lot 13, Banak St., ng nasabing lungsod.

Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Navotas police sa agarang pagkakakilanlan at ikadarakip sa mga suspek na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaslang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 7:00 kahapon ng umaga nang maganap ang krimen sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa saksi na Edward Mulo, 64, kapitbahay ng biktima, nakita nito ang pamamaril ng mga suspek kay Abella kabilang ang isang babae na nakasuot ng maong short pants at kulay puting T-shirt.

Bigla na lamang sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing magkakasunod na pinagbabaril ang biktima sa ulo saka mabilis na nagsitakas sa di-malamang direksyon.

Duguang humandusay sa lupa ang biktima na agad naman dinala sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na rin ng pulisya, kung may kinalaman sa motibo sa pagpaslang sa biktima ang iniwang kalatas ng mga suspek na nagsasaad na kasapi ang mga ito ng “Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Linista ng Pilipinas.”

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.