Barangay Chairman Oreta, Ipagpapatuloy ang mga Nakamatayang Proyekto ng Ama

NAIS ITULOY ni Malabon City Association of Barangay Chairman (ABC) President Paulo Oreta ang nakamatayang programa at proyekto ng kanyang ama na si dating alkalde Mayor Canuto “Tito” Oreta.

Hindi naging sagabal kay Maysilo Barangay Captain Oreta ang mga natatanggap na paninira sa kanya at sa halip ay ipinagpatuloy nito ang pagkakaloob ng scholarships sa mahigit 50 kabataang na kapus-palad na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit na mababa lamang ang marka o grado sa card.

Abut-abot na tulong ang ibinibigay ni Oreta sa kanyang mga constituent sa Maysilo at nilansag nito ang salot na operasyon ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

Noong kabataan ni Chairman Oreta, minsan na itong nalulong sa paggamit ng droga at dito ay pinagsikapan nitong tigilan at ireporma ang kanyang sarili laban sa nasabing masamang bisyo.

Naipakita ni Oreta sa kanyang mga constituent na kaya niyang linisin ang kanilang baranagy laban sa mga masasamang elemento ng lipunan na noon ay magulong lugar na mara-ming masasamang loob at hindi kanis-nais na bisyo.

Magmula nang maging chairman si Oreta at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong nakapagbibigay ng tulong at biyaya sa kanyang mga kabarangay sa pamamagitang ng programang pang-kalusu-

gan, pang-medical at pagpapalibing sa mga namatayan na walang pampalibing.

Nais ni Oreta na ituloy ang mga napasimulan ng kanyang yumaong ama sa pamamagitan ng pagtakbo sa nalalapit na lokal na eleksiyon sa 2013 bilang isang independent candidate sa pagka-bise alkalde ng Malabon.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.