Barangay Chairman, Nilikida

PINAGBABARIL NG dalawang hindi nakikilalang salarin ang isang barangay chairman Davao Oriental.

Sa report na nakara-ting sa PNP headquarters sa Camp Crame Quezon City , dead on arrival sa pagamutan aang biktimang si Brgy. Capt. Eduard Orias, residente ng Barangay Don Mariano, bayan ng Lupon  sa nasabing probinsiya

Ayon sa pagsisiyasat ng Lupon PNP, dalawang lalaki na sakay motorsiklo ang pumasok sa bahay ng biktima bandang alas-6:00 kamakalawa ng gabi at saka pinaputukan ng malapitan.

Nalagutan ng hininga ang biktima bago pa ida-ting sa Davao Oriental Provincial Hospital sanhi ng tama ng punglo sa gilid ng kanyang tenga na tumagos sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg.

Napag-alaman sa pa-milya ng nasawi na paulit-ulit nang nakatatangap ng death threat ang chairman subalit binalewala lamang nito.

Isa sa mga tinututukan na motibo ng mga awtoridad ay kung may kinalaman ang pagpatay sa pulitika partikular na noong nakaraang eleksyon.

(E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.