Barangay Captain sa Tacloban, Patay sa Saksak

PATAY NA nang matagpuan ang barangay kapitan ng Barangay 6-A, Sto.Niño Extension, lungsod ng Tacloban.

Batay sa blotter ng Abucay Police Station2, galing sa merkado ang 67-anyos na biktimang si Natividad Rivas Morable at pauwi na sana sa kanilang bahay nang makailang beses sinaksak ng hindi pa nakikilang suspek.

Napag-alamang dala ni Morable ang kanyang bag na may lamang pera, cellphone at ilang importanteng dokumento.

Bagama’t agad naisugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima, hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay nito dahil sa dami ng dugong nawala.

Naniniwala ang mga awtoridad na ang dalang bag nito ang dahilan sa pagpatay sa nasabing kapitan. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.