Barangay Captain, Kritikal sa Riding-In-Tandem

KRITIKAL ANG isang barangay captain matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay nag-aalmusal sa karinderya sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Felipe Alday, 59, chairman at residente ng Barangay 178, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, alas-7:50 ng umaga, nag-aalmusal ang biktima sa karinderya sa Durian St., Camarin nang sumulpot ang mga suspek at walang salitang pinaulanan ng bala si Alday.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong walang plaka kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga una.

Inaalam na rin kung may kaugnayan sa pulitika ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.