Barangay administrator, arestado sa pananakit sa binatilyo

SELDA ANG KINAHANTUNGAN ng isang barangay administrator matapos arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Navotas Police, dahil sa pananakit nito sa binatilyo sa nakalipas na Sangguniang Kabataan elections noong Oktubre 25, 2010.

Si Virgilio Quiampo, 45, ay dinakip ng mga tauhan ng WSS ng Navotas Police sa kanilang bahay sa Block 4, Phase 1-C, Bonito Street, Kaunlaran Village, Dagat-Dagatan NBBN ng nasabing lungsod, sa bisa  ng warrant of arrest na ipinalabas ni Malabon Regional Trial Court Branch 73 Judge Carlos M. Flores na may petsang Pebrero 14, 2011.

Base sa recor ng hukuman si Quiampo ay lumabag sa kasong slight physical injuries at RA 7610 (child abuse law) na isinampa sa kanya ni Alkie Villarin, 15, noong December 17, 2010.

Sa statement ni Villarin, nasa loob umano siya ng polling precinct sa North Bay Boulevard Navotas para bumoto sa SK elections noong Oktubre 25, 2010 nang mapagkamalan siyang

flying voters ni Quiampo.

Nakasaad sa statement ng biktima, binatukan umano siya ng suspek at pinitsarahan pa kung kaya’t inireklamo niya ito sa Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) ng Navotas Police.

Aabot sa P80,000 ang piyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Quiampo na kasalukuyang administrador ng Brgy. NBBS sa Navotas City.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Barangay administrator, arestado sa pananakit sa binatilyo

  1. Pingback: Barangay administrator, arestado sa pananakit sa binatilyo | Bonito

Leave a Reply

Your email address will not be published.