Bar topnotchers na tubong-Bulacan, Kilalanin

MULI NA namang na-ngibabaw ang galing ng mga Bulakenyo matapos na manguna sa pagsusulit para sa abogasya ang dalawang lumaki at nagkaisip sa Meycauayan at San Jose del Monte City sa Bulacan.

Ang nanguna sa nabanggit na pagsusulit ay si Raoul Angelo Atadero, 27, taga-Brgy. Saluysoy at anak ni city councilor Raoul Atadero.

Pampito naman si Eireen Xina Acosta na ipinanganak sa San Jose del Monte City.

Batay sa ulat na inilabas ng Korte Suprema, naitala ng batang Atadero ang puntos na 85.53 63% sa katatapos na bar examination, samantalang si Acosta ay nakakuha ng markang  84.06 63%.

Kasama rin sa mga Bulakenyong nakapasa sina Atty. Julius Victor Degala, Margie Bugayao, Rose Bautista, Cristina T. Alcantara at Belle Tagulao, pawang mga nagtapos sa Bulacan State Univesity.

Nagtapos si Atadero sa Ateneo de Manila University at sa San Beda naman hinubog ang galing sa batas ni Acosta.

Ayon naman kay Meycauayan City Mayor Joan Alarilla, makikita sa nakaraang pagsusulit ang galing at talino ng mga batang Meycauayeño.

“Isang malaking kara-ngalan sa Lungsod ng Meycauayan na sa pa-ngalawang pagkakataon ay manggaling sa amin ang bar topnotcher,” ani Alarilla.

Matatandaang nag-top sa bar examination noong 1971 si Atty. Henry Villarica ng Universtiy of the Philippines na tubong-Meycauayan din at pang-apat naman ang batang Atadero sa mga Bulakenyong na-nguna sa pagsusulit.

Ayon kay Villarica, hindi nakapagtataka na mag-top si Raoul kasi nagtapos siya ng valedictorian nu’ng high school at with honors sa Ateneo de Manila University College of Law.

“Preparation for the bar examination starts from the time you enter law school. If you excelled in your 4 years of law school, chances are you will also make good in the bar,” dagdag pa ni Villarica.

Nagpasa naman ng isang resolution sa Kongreso si Rep. Linabelle Villarica, ng 4th District ng Bulacan, na kilalanin ang  2011 Bar examination topnotcher na si Raoul Angelo D. Atadero dahil sa pagbibigay nito ng pride at honor hindi lang sa Lungsod ng Meycauayan, kundi sa buong lalawigan ng Bulacan.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.