Bar sa QC, Nagkagulo; 3 Sugatan

TATLO ANG sugatan ma-tapos magkagulo sa isang bar sa Quezon City pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng bar na ibinigay sa Quezon City Police District (QCPD) Station 10, magkatalikurang umiinom ang salarin at biktima nang bigla na lamang tumayo ang suspek at pinalo ng bote sa ulo ang huli.

Nagpulasan ang mga tao sa takot habang na-bugbog naman ang salarin na inawat din agad ng mga bouncer.

Samantala, nakakulong na ang suspek.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa motibo sa naturang gulo sa bar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.