Bar Owner at Nag-iinuman, Nasampolan ng Liquor Ban

ILANG KATAO, kasama ang mismong may-ari ng isang KTV bar sa Brgy. 108, Pasay City ang inaresto dahil sa paglabag sa umiiral na liquor ban.

Matatandaan na simula alas-12:01 ng madaling-araw kamakalawa ay pinairal na ang pagbabawal sa pag-inom, pagbebenta at pagbiyahe ng alak nang walang pahintulot.

Base sa umiiral na batas, epektibo ang liquor ban simula sa bisperas ng eleksyon hanggang sa mismong araw ng botohan.

Una rito, hinarang ng Supreme Court (SC) ang pag-iral ng extended liquor ban na tatagal dapat ng limang araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.