Baon sa Utang, Nagbigti sa Babuyan

DILAT ANG mata at lawit ang dila nang matagpuan ng kanyang live-in partner ang isang mister na nakatali ang nylon cord sa leeg at ang dulo sa kisame ng babuyan sa Alfonso, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Provincial Director Sr. Supt. John C. Bulalacao ang biktima na si Pilmor Tobias Y Peji, 42 anyos, at residente ng Barangay Sinaliw malaki ng bayang nabanggit.

Sa imbestigasyon ni PO2 Randel Mojica, may hawak ng kaso dakong alas-7:30 ng umaga nang magulat ang live-in partner nito na si Milfred Nirva Y Bitancor, 27, ng bisitahin ang kanilang mga kambing sa likuran ng bahay at bumulaga sa kanya ang nakabigting kinakasama.

Nabatid na bago ang insidente ay nakita pa nilang hawak nito ang cellphone at nang buksan ay ito ang nakasulat sa outbox ng biktima “Mahal na mahal ko kayo ate, sorry ha ikaw na ang bahala sa aking mag-ina”.

Nabatid na ilang araw na umanong malungkot ang biktima dahil sa pinansiyal na problema.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.